Natasha's POV:
Lahat kami nasa unit na ngayon, naawa ako sa kaibigan naming si Princess sa mga nangyari sa kanya kanina ngayon lang siya nabully at napahiya ng ganon. Di na namin siya nalapitan sa cafeteria kanina dahil sa dami ng taong nagkumpulan, kaya't di kami makasingit.
"Princess, sorry di ka namin natulungan kanina." Naiiyak na sabi ni Fionah.
"Okay narin yun, para di na kayo madamay pa sa gulo, I can handle this kind of situation naman." Sabi ni Princess na halatang naiiyak pag naalala niya yung nangyari kanina.
" Mabuti pa siguro, wag ka na munang pumasok bukas." Pagaalala ko sa kaniya.
"Nope! Pag hindi ako pumasok bukas edi para ko naring sinabing naduduwag at talunan ako." Giit niya. Hayys kahit kailan talaga tong kaibigan namin hindinagpapatalo. "Huwag na kayong magalala dahil bukas na bukas nasa akin ang huling halakhak at hindi na tayo magagalaw ng mga gunggong na yun." Dagdag niya.
"What do you mean?" Tanong ni Athena sa kanya. Pero di niya ito pinansin bagkos nilabas lang ni Princess yung lappy niya tinatawagan si Momzy Kyla mama ni Princess.
"Oh! Hello my dear Princess and my babies." Bati ni momzy samin sa video call, ganyan kasi kami sa sobrang closeness ng family naming apat, turing na namin sa isa't-isa is family. "What's the matter? Bat parang bad mood ka my Princess?" Dagdag ni momzy.
"Mom, I have my request to all of you even to my other momzy and papzy." Sabi ni Princess.
"Come on, go a head my Princess."
"Mom, gusto kong takutin niyo ang may ari ng Hope Academy na bibilhin niyo yun, bukas na bukas rin!" Request ni Princess.
"What? Why?? What happened?" Nagaalalang tanong ni momzy sa kanya.
"Well tita na bully lang naman po siya kanina nang mga anak nang mayari ng Hope Academy." Siniko ko lang si Athena, ang daldal eh.
BINABASA MO ANG
The Four Nobody's and The Campus Kings
Ficção Geral[ON-GOING] Fionah Aira Costales, ang pinakamataba at matakaw sa apat, pagdating sa pag-kain wala siyang inuurungan. Natasha Marie Salazar, ang "Betty La fea" ng grupo walang inatupag kundi mag-basa ng mga libro, mag-aral at manang kung manamit. Athe...