Copyright © 2014 by @Hotcakesss
All Rights Reserved.
A/N: This story is only product of Author's imaginations. All incidents are merely inventions and all character inside this story had no existance in reality.
--
Prologue:
Si Jan Akiyo Perez. 17 years old. Leader at Vocalist ng kinikilalang banda sa loob ng Bloomfield High.Ang M5 o mas kilala bilang Mystery5. Siya ang nagsisilbing alas ng grupo. Ang pinaka high profile sa kanilang lima. Anak ng may-ari ng eskwelahang kinabibilangan nila. Ang nagiisang tagapagmana. Bossy, Maangas at kinatatakutan ng lahat ng estudyante. Libangan nito at ng apat pa niyang kasamahan ang manakit ng kapwa nila estudyanteng nagaaral ng tahimik dito. Mapababae man o lalaki. Wala silang pinipili. Sinasaktan nila ang kung sino mang haharang sa dinaraanan nila o basta matripan lang nila. Sabi nga ng iba, wala raw puso ang mga 'to. Pero hindi sila gangsters. Ang banda nila and pinaka sikat sa eskwelahang ito. Maging sa ibang paaralan ay sikat sila. Daig pa nila ang mga artista. Sa kabila ng di kagandahang asal nila ay marami pa ring mga estudyanteng humahanga at nagmamahal sa kanila. Lalo na ang mga kababaihan. Maraming babaeng nagkakandarapa dahil sa itsura at talentong taglay nila.
Pero lahat ng tao ay may kahinaan. Kahit gaano ka kalakas. May isang bagay pa rin na nagpapahina sa iyo.
Si Rachelle Mae Flores. 16 years old. Ang nagsisilbing Achilles heel ni Akiyo. Simple, Maganda, Tahimik, Matalino, Mahinhin, Friendly at higit sa lahat Mapagmahal sa kapwa. Kung ano ang ikinaganda niya sa panlabas ay siya rin namang ikinaganda niya sa panloob na kaanyuan. Kaya't hindi na nakapagtataka kung bakit maraming kalalakihang nagnanais na maging kasintahan siya. At isa na doon si Akiyo. Ang babaeng ito ang nagsisilbing kahinaan niya na tanging siya lamang ang nakakaalam. Kahit sikat siya ay hindi pa rin niya makuha ang atensyong ninanais niya galing rito. Ayaw niyang mahulog sa babaeng ito. Tanging atensyon lamang nito at hindi pagibig ang kailangan niya. Para manalo sa pustahang binuo ng karibal nilang banda. Para kasi kay Akiyo, ang pagibig ay isang laro lamang na dapat laruin. Hindi ito dapat seryosohin.
Pero paano kung sa gitna ng mga planong binubuo niya ay may nangyari?
Paano kung sa isang iglap ay biglang nagbago ang pananaw niya tungkol sa pagibig?
Paano kung magkamali siya at mahulog sa babaeng parte lamang ng laro nila?
Paano kung pati ang pinakaiingatang pagkatao niya ay maapektuhan na?
Titigil na ba siya para sa nagiisang alas niya? O itataya niya pa ito para sa larong akala niya mananalo siya kahit hindi naman talaga?
--
A/N: Okay. This is my 2nd story. Hahaha though yung una One shot lang. eh? story pa din naman yun diba? So here's the prologue. Hahahaha. Naintindihan niyo ba? Sorry na.. trying hard talaga ko magsulat. Hahahaha hanggang editor nga lang siguro ko. XD pero wala naman masamang mag try diba? Hahahaha! Enjoy reading guys. Salamat sa pagpansin.
@Hotcakesss
BINABASA MO ANG
Ace of Hearts
Action"Never waste an oppurtunity to tell someone you love them, because you never know, tomorrow may be too late."