Chapter 10

263 9 2
                                    

Ran's POV ~

"Hi honey? Miss me?"

Nagulat ako ng makita ko si Dara sa labas ng pintuan ng condo ko. Siya pala yung kumakatok. Niyakap ko siya agad ng sobrang higpit at tsaka ko siya binuhat at dinala sa kwarto ko. Ilang taon din kaming hindi nagkita ng personal. Malayo siya eh. Gusto ko man na puntahan siya sa Korea ay hindi ko magawa. Lagi niya kasi akong pinipigilan. Hindi ko maitatanggi na nasabik talaga ko sa kanya. Sobra ang pangungulila ko sa girlfriend ko.

Agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at agad akong nagtanim ng matatamis na halik sa manipis at mamula-mulang labi niya. Natutuwa ako at nagkasama ulit kaming dalawa.

"Mamaya na tayo maglambingan honey. May lakad pa ako. Dinaanan lang kita para iinvite sa opening ng mall ko." malambing na sabi niya.

"Yeah. Pupunta ko honey."

"4pm ha! Bwal ma-late."

Tumango na lamang ako bilang sagot. Nakakatampo 'tong babae 'kong 'to. Di man lang ako pinagbigyan. Sa bagay, ngayong nandito siya, sigurado akong marami kaming oras para sa isa't-isa. Wag lang siguro ngayon.

"Honey, may event dn pala sa mall ko mamaya. I want you and your band to perform. Please?" pagpapakiusap niya sakin. Matatanggihan ko ba 'tong girlfriend ko? Syempre hindi.

"Okay hon. I miss you."

"I miss you too hon."

Pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang yun ay nagpaalam na siya agad sakin. Nagmamadali siyang lumabas ng condo ko. Ang hirap talaga kapag sikat ang karelasyon mo.

Nag aayos na ako ng sarili ko ng biglang sumagi sa isip ko si Krystal. Ang pinsan ni Dara. Malaki ang posibilidad na makita ko sila Akiyo sa event na iyon. Sumasang ayon na ang lahat sa mga plano ko. Mukhang masaya ang magaganap sa gabing ito.

---

"Hello?" sabi ni Aki sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag ko.

"Kamusta Aki? Nagkakamabutihan na ba kayo ni Rachelle?"

"Ta@#*&?do ka Ran. Tigilan mo ang pang-aasar sakin."

Natawa ako sa sinabing iyon ni Aki. Natutuwa talaga ko kapag nagagalit siya. Hindi talaga nabubuo ang araw ko kapag hindi ko nakikitang naiinis siya.

"Easy bro. Hindi kita inaasar, nagtatanong lang ako."

"Matakot ka na Ran. Kapag nainlove sakin si Rachelle, sinisigurado ko sayong sira yang pinakaiingatan mong pagkatao."

"Mas matakot ka Aki. Dahil sa oras na mahulog ka rin sa kanya, tapos yang pinakamamahal mong banda."

Nakikini-kinita ko ng napipikon 'tong taong 'to. Hindi naman talaga ako ganun kasama kagaya ng iniisip niyo. Hindi ko naman talaga intensyong masira ang binuo niyang banda. May banda rin ako at alam ko ang pakiramdam kapag nawala ito.

"Asa Ran. Asa"

"See you when i see you Aki."

"Back Off." sabi niya at saka naputol ang linya. Naiinis na yun malamang.

Nagtungo na ko sa parking lot. Nakita ko pang nakatambay ung apat na Black D. doon. Sinabihan na rin siguro sila ni Dara para mamaya. Ang utak talaga ng babaeng yun. Alam na alam na niya kung paano ako mapapayag.

Si Sky ang unang bumati sakin. At yung tatlo? Ayun busy sa pakikipag usap sa isa't-isa. Walang gana ko lang siyang tiningnan at saka nagtungo na sa kotse ko.

"Kayong apat. Mauna na kayo sa The Fields. May dadaanan lang ako sandali. Huwag niyong aalisin sa paningin niyo ang M5. Walang gagawa ng gulo. Maliwanag?" sambit ko sa kanila at saka pinaharurot ang sasakyan ko palayo sa mga kagrupo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon