Rachelle's POV ~
Naglalakad ako sa loob ng school namin ng may makasalubong akong dalawang fans ni Akiyo. Paano ko nasabing fans? Eh pano ba naman malayo pa lang ako sa kanila rinig na rinig ko na ang usapan nilang dalawa. As usual, ako yung pinaguusapan nila. Eh ako lang naman ang kinasal kay Akiyo nung festival eh. Kung anu-anong negative comments ang naririnig ko sa kanila. Na kesyo hindi raw kami bagay, panget daw ako at mas maganda sila. Hay nako, Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Pagkatapos ng ilang araw mula ng festival na yun tiyak na paguusapan na nila ako eh. Jusko, susundin ko na nga lang si Naika at hahayaan ko na lang silang mag comment ng magcomment dyan tungkol samin. Sila din naman ang mawawalan eh.
Nasa may gate ako ng Bloomfield High ng marinig ko ang usapan nila Jin at Nicky pagdaan ko sa harapan nila.
"Psst Re, di ba yun yung chix na pinakasalan ni Aki nung festival? Haha ang ganda naman pala niya eh. Lalo na sa malapitan." rinig kong sabi ni Jin kay Nicky.
"Gago talaga yun si Aki." sabi naman ni Nicky.
Si Light Jin Jimenez, 2nd ranking ng bandang Mystery5. Ang lead guitarist ng grupo at ang pinakamaloko sa lahat. May bahid din naman ito ng kabaitan pero minsan nga lang umiiral. Palangiti kasi siya hindi siya ganon kasungit gaya ng pinuno nilang si Aki na akala mo galit sa buong mundo. Hindi ganon kasama ang ugali niya pero isa siyang Cassanova. Marami siyang babae at lahat yun kaya niyang paiyakin ng sabay-sabay.
Si Dan Nickelson Suarez o mas kilala sa pangalang Nicky. 3rd ranking ng grupo nila. Bass guitarist naman ng banda. Tahimik lang ito lagi na akala mo eh walang pakialam sa paligid niya. Siya ang pinakamatanda sa grupo nila kaya siya ang nagsisilbing kuya. Mr. Cold-hearted Guy ang bansag nila rito dahil sa ugali niya. Kapag tumitig ka kasi sa mga mata niya ay para bang may pwersang hindi mo malaman at mararamdaman mo na lang na nanlalamig ka. Siya ang sabihin na nating pinakamabait sa kanilang lima pero pag nagalit yan grabe.
Hindi ko na lamang pinansin ang usapan nila at tuluy-tuloy na lang na naglakad patungo sa park malapit sa school namin dahil dun ko sinabi kay Mang Leo na sunduin ako. Hindi naman ito kalayuan kaya't naglakad na lamang ako. Wala naman na akong ibang gagawin pa sa school kaya nagpasya na akong umuwi. Papalubog na rin kasi ang araw. Maya-maya lang eh magdidilim na.
Isinaksak ko sa tenga ko ang headset ko at ini-on ang cellphone ko.
Nakaugalian ko na talagang mag soundtrip habang naglalakad. Nakakarelax kasi saka nakakatulong din 'to para hindi ko marinig yung mga sinasabi ng ibang tao.
Lalalalalala ~
Hmm Hmm Hmmm ~
Nakita ko na ang sasakyan namin. At natanaw ko na ring kinakawayan na ko ni Mang Leo. Hahaha si Mang Leo ang driver namin. Bata pa lang ako eh sa amin na siya nagtatrabaho. Mabait yan si Mang Leo. Matulungin pa.
Akiyo's POV ~
Kakatapos lang namin tumugtog dito sa bar nila King. Tuwing gabi dito kami tumatambay. Dalawang beses kasi sa isang linggo kami tumugtog dito. Kaya nga sikat kami eh. Magaling kasi kami at pinagmamalaki ko yun.
BINABASA MO ANG
Ace of Hearts
Acción"Never waste an oppurtunity to tell someone you love them, because you never know, tomorrow may be too late."