Naika's POV ~
Kring... Kring... Kring...
Arghhhhhhh!!!!
Inabot ko yung cellphone na nasa bed side table ko. Ang aga aga naman kasi mambadtrip nitong tumatawag na 'to. Sinagot ko yung phone ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Antok pa ko eh! isang mata pa nga lang nakadilat sakin eh.
"Hello? Aga aga naman! di pa ata sumisikat yung araw nanggugulo ka na? Sino ba 'to?" bulyaw ko sa di ko kilalang caller na 'to.
"Sissy? Sorry.."
"Rachelle?"
"Hmm.."
Si Rachelle pala 'tong tumawag. Akala ko ba naman kasi kung sino eh. Ang aga aga naman kasi tumawag nitong sissy ko. Nasungitan ko tuloy siya. Panigurado paiyak na yung itsura nito ngayon. Kung nakikita ko lang siya malamang sumakit na yung tiyan ko kakatawa. Hahaha Hindi ko pa nga nakikita natatawa nako eh!
"Ay sorry sissy. Hihihi. Kung bakit naman kasi ang aga aga mong tumawag. Nasungitan tuloy kita. Pero ayos lang yun sissy. Bakit ka nga pala napatawag? nahihiyang tanong ko sa kanya. Gusto ko siyang asarin pero naisip kong wag na lang pala. Iyakin pa naman yun mamaya isipin niya inaaway ko siya.
"Uhmm.. A-ano kasi.. Hmm.. Gusto ko lang kasi sanang itanong kung pupwede ba kitang daanan diyan sa inyo ngayon para sabay na tayong pumasok." sagot naman niya sakin.
Napatingin naman ako sa orasan naming nakasabit sa pader. Mag aalas-sais na pala ng umaga. Alas siyete ng umaga ang umpisa ng klase namin. Mag aayos pa ko. Kung di tumawag si Rachelle, malamang mahimbing pa kong natutulog ngayon. Siguro kasama ko pa si Julz sa panaginip ko. Hahaha I'm so kilig talaga pag nababanggit yung pangalan niya.
"Sure sissy! daanan mo na lang ako dito. Sasabay na lang ako sayo para hindi na mahirapan si Mang Mando na ihatid ako. Hihihi" sweet kong sabi sa kanya.
"Okay sissy! bye!"
Then she hung up.
---
Nakaligo na ko at nakapag ayos. Ready na kong pumasok. 6:30 na din kasi ng umaga. Hinihintay ko na lang na dumating si Rachelle para makapunta na kami sa Bloomfield High. Nakakapanibago. Dapat talaga kong mag thankyou kay Rachelle. First time ko yata di male-late sa school ngayon. Hahaha! Ang sarap pala sa pakiramdam gumising ng maaga, sa una lang siguro nakakabagot.
Sana maaga ding pumasok yung M5. Para maaga kong makita si Julz Cyrous my loves! Eh di ang agang goodvibes nun!
Pang ilang POV ko na nga ba 'to? Di pa kasi ko nakakapag self introduction eh. Napapansin ko kasi puro na lang ako kwento. Ang daldal ko na. Hahaha!
Okay fine! Eto na magpapakilala na ko. Hmm.. I'm Lady Naika Montereal. 16 years YOUNG! Hahaha. Junior high student. Section-A din gaya nila Rachelle, Hero, Nami, Krystal, Kenzo at Archie. Sila ang mga super duper trumates ko! Trumates means TRUepa and classMATES. Galing ko no? Hahahaha at syempre, MAGANDA AKO! Kaya nga bagay kami ni Julz eh. Kasi gwapo siya tas maganda ako! Kaya nararamdaman kong soulmates talaga kami. Kaso di pa niya ko napapansin eh, kasi laging iba tinitingnan niya. Ang drama ko na peste!
BINABASA MO ANG
Ace of Hearts
Action"Never waste an oppurtunity to tell someone you love them, because you never know, tomorrow may be too late."