Chapter 2

342 11 0
                                    

Naika's POV ~

Dalawang araw na ang nakalipas simula ng matapos ang School Festival namin. Wala namang iba pang magandang nangyari bukod sa kasal ng bestfriend ko. Although di naman talaga totoong kasal yun kasi nga part lang ng School Festival yun pero basta! kinikilig kasi talaga ko sa kanilang dalawa.

Kahit naman kasi mukhang napilitan lang si Akiyo or should i say? napilitan lang talaga si Akiyo na ikasal kuno sa sissy ko eh naging okay naman ang lahat. Mukhang totoo nga eh. Kahit laging nakasimangot si Akiyo si picture na kuha ko. Hahahaha yes! tama kayo. Ako lang naman ang magandang photographer ng booth namin hehe. Kinuhanan ko pa nga ng video lahat ng nangyari sa kanila eh. Mula umpisa ng kasal hanggang sa huli. Hahaha kaya lang nag aalangan akong ipost sa fb. Baka kasi magalit si Aki at bigla na lang akong bugbugin nun pag nakita ako. Sayang ang maganda kong mukha. Masyado pa naman akong pinagpala. Hahahaha XD

Bet na bet ko talaga ang loveteam nila. Kasi naman unang tingin ko pa lang na magkatabi sila eh may spark talaga. Chemistry kumbaga. Bagay na bagay talaga. Kaso mukhang malabo mangyari yung loveteam na gusto ko eh. Sa pagkakaalam ko kasi, si Aki ay hindi nagi-girlfriend kasi daw hindi makamove-on dun sa past niya nung bata pa siya. Ewan ko ba yun lang ang impormasyong nasagap ng radar ko. Hahaha.

Tapos ang bestfriend ko naman eh inlove na. Oo tama ang basa niyo! May laman na ang puso ng sissy ko. Hahaha. Hindi ko kilala eh basta Jap lang ang alam kong name ng lalaki. Kasi naman sa twing tatanungin ko siya at pag-uusapan namin ang tungkol dun sa minamahal niyang alien. Joke hahaha. Tao yun. Unknown nga lang. Lagi siyang naiiyak na ewan. Para bang may kakaibang nagawa yung lalaki na yun sa kanya dati kaya ganun na lang ang nagiging reaksyon niya sa tuwing babanggitin ko ang tungkol dun. Gusto ko mang malaman kung anuman ang dahilan eh minabuti ko na lang na manahimik. Naiiyak na lang din kasi ko pag nakikita ko ang expression ng mukha niya. Nakakalungkot masyado para sa Rachelle na laging nakangiti.

Pero nung festival, may kakaiba talaga kong napansin sa bestfriend ko. Bigla na lang kasing nagbago ang mood niya nun matapos ang kasal nila ni Akiyo. Ewan ko dun bipolar na ata.

"Patingin nga ng mga pictures nung festival Naika ^o^" sabi ng vice president naming si Nami.

"Di ka ba makapaghintay Nami? Ipopost naman ni Naika yan sa bulletin board eh. Dun mo na lang sana tignan. Kita mong inaayos pa eh." reklamo naman ng president naming si Hero.

"Tsss >o<" Nami.

Hahaha Ang kulit talaga ng dalawang 'to. Bagay din 'tong dalawa na 'to eh. Isa din 'to sa loveteam na bet ko bukod kay sissy at Akiyo. Ang cute kasi nila tignan. Hahaha tapos lagi pang nagbabangayan.

"Hi sissy! Gusto mo ng kopya mga pictures niyo ni Akiyo? 2 copies kasi ginawa ko para sayo yung isa." tanong ko sa sissy ko.

"Sure sissy. pinaghirapan mo yan eh hehe." sagot naman niya ng nakangiti. Syempre palangiti yang sissy ko na yan eh.

"Eh kopya ng video ng kasal niyo ni Akiyo sa Marriage booth? gusto mo pasa ko sayo? Nilipat ko kasi dito sa phone ko eh." tanong ko pa ulit. Hihi kinikilig talaga ko. Di ko nga maiwasang ulit uliting panuorin 'tong video nila eh.

"Naku sissy. ikaw talaga. Wag na. baka kumalat pa yan sa buong school. Alam mo na, madaming fans si Akiyo, baka makita yan, magalit sakin." sagot niya.

Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon