4SIL: Weak Day

285 13 29
                                    

#SILWeakDay

MARK'S POV

Around 7am nung may nag-doorbell kaya naman agad akong bumaba para tignan kung sino 'yun.

Wala kasing ibang tao dito ngayon sa bahay maliban saken. Nasa business trip kase si Ate at isang linggo siyang mawawala.

"Oh? Ikaw pala Jr., ang aga pa ha? Papasok ka na?" Tanong ko.

"Eeh? Diba may meeting tayo ngayon, and at the same time, may practice para sa Acquaintance Party by next month. Don't tell me, hindi ka nasabihan sa text? Wait, what's with the looks? Anyare sayo bro?" He frowned.

"Ah. Ano, kase.. Medyo masama yung pakiramdam ko eh kaya hindi ko pa nache-check yung cellphone ko mula kagabi"

Agad naman niyang tinignan yung temperature ko using the palm of his hands. Ugh, I feel so dizzy =__=

"Naku! Hyung! Ang taas ng lagnat mo! Mabuti pa dalhin na kita sa hospital! Mamaya kung mapano ka pa! May kasama ka ba ngayon?"

"Mag-isa lang ako. Huwag na bro, kaya ko pa naman eh. Lagnat lang 'to, mamaya okay na rin ako. Anong oras ba yung practice?"

"6am daw eh"

"Ayan tayo eh~ 6am? Tapos nandito ka pa rin? Ayos ah?! Batas?! Haha"

"Batas 'to bro! Haha. Sige na, magpahinga ka na diyan. Ako nalang magsasabi sa mga Prof na hindi ka makakapasok today. Sure ka ba na okay ka lang dito?"

"Yep! Sige na~ Ingat pagpasok!"

Nung maka-alis na siya, agad naman akong pumunta sa kusina para kumuha ng makakaen. But unfortunately, walang lutong pagkain!

Aish. Nawala sa isip kong wala rin nga pala si Manang! Nagugutom na po akooo~~

Gustuhin ko mang magluto, hindi ko naman magawa. Bukod sa nahihilo ako, hindi naman ako marunong =__=

Ang hirap pala nang mag-isa, lalo na kapag may sakit. It looks like the slowest time of your life!

At dahil no choice na ako, nagbukas nalang ako ng cup noodles. Aish. Gutom na talaga ako eh~

At dahil mag-isa lang ako, sa may sala nalang ako kumaen habang nanonood ng cartoons. Ugh, walang lasa!!! Ang hirap pa kumilos =__=

Habang kumakaen ako, may nag-doorbell na naman kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko para tignan kung sino yun.

Pagbukas ko ng gate, nagulat ako nung makakita ako ng isang anghel na nakatayo sa harap ko.

Hala... Diba may sakit lang naman ako? Hindi pa naman ako patay ah?! Baka mamaya si Scheduler na pala 'to??!! Noooooo!!!

"Uy! Tulala ka dyan?! Pwede bang pumasok?"

Nagising naman ako nung nagsalita siya. Ay teka, si HyunA pala! Hehe. Sorry~ Akala ko anghel :)

"Oh? Ikaw pala HyunA. Teka, bakit nandito ka? Diba may practice kayo ngayon?"

"May I come in? Can't you see, may dala ako oh?!" She complained kaya naman pinatuloy ko na siya sa loob.

Teka, bakit ba nandito siya ngayon? May sakit kase ako eh, baka mamaya mahawa siya saken!

"Tsk! Noodles na naman?! Aish. O'yan, pinagdala kita ng lugaw. Nasabi ni Jr. may sakit ka daw eh. Sorry, hindi si Manang Fe ang nagluto niyan eh. Binili ko lang 'yan kina Aleng Tekla, pero masarap 'yan promise!" Sabi niya habang hinahanda yung pagkaen sa sala.

Napangiti naman ako habang pinapanuod siya. Nag-abala pa talaga siya :)

"Sabi ko naman sayo mag-iingat ka diba? Ano ba kaseng ginawa mo kahapon at nilagnat ka? Tsk! Halika nga dito, titignan ko kung gaano kataas yung temperature mo"

Still In Love [EXO ft. GOT7 FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon