Chapter 33: Kathryn's Pov

4K 24 1
                                    

A/N: Di ako madaldal ngayon, May tanging hiling lang ako. I-VOTE nyo naman. :)) Ayiee, pipindutin na niya ang VOTE button! Pag pinindot mo love ka ni Daniel Padilla. HAHA, sa mga magvo-vote, Thank you very much! Mas gagawin ko pang exciting ang next chapters! :) Yun lang. c: Again,

VOTE, COMMENT, ENJOY THE STORY. 

----------------------------------------

[ Kathryn's Pov ]

Umalis na kami sa hospital. Medyo magaling narin ako at si Daniel. Nagpakilala na siya sakin kanina at parang napaka-gaan ng loob ko sa kanya. Feeling ko kapag kasama ko siya, safe na safe ako. 

"San ba tayo pupunta Daniel?" Tanong ko sa kanya. "Sa bahay niyo. Papakilala kita sa pamilya mo." Ningitian niya ako ng malapad. Pero parang fake smile lang. Ang lamig ng kamay niya. Holding hands kasi kami. *o*

"May kapatid ba ako? Marami ba akong kaibigan? Pano kita nakilala?" Dami kong tanong nu? 

"Dami mong tanong. Mamaya lahat yan sasagutin ko. Sa ngayon, magpahinga ka muna sa bahay niyo ha?"

 

"Sige, basta dapat mamaya masagot mo na lahat ng tanong ko ha?"

 

"Opo." Hinalikan niya ang kamay ko. Ang sweet niya pala. At ang bait pa. Plus, pogi pa. Swerte ko pala. 

-----------------

Home.

"Kathryn! Daniel! Jusko! Sobrang nag-alala ako sa inyong dalawa!" Sabi sakin ng isang babae. Bakit ang daming tao sa bahay? May party ba?

"Siya ang mama mo Kath." Sabay nguso sa babaeng bumungad samin kanina. "Siya naman ang kuya mo, si Neil." Tinuro naman niya ang lalaking nakatayo sa may hagdan. Pababa na siya eh. "Sila naman ang mga tunay na kaibigan mo." Sabay turo sa dalawang babae. "Ako si Zharm. Friend mo. Uhm, ako dapat ang pupuntahan niyo nung hindi pa kayo naaaksidente." Sabi naman sakin nung babae. Maganda siya at mukhang mabait. "Hi Kath!" Bigla naman akong niyakap nito. "Ako si Julia. Bestfriend mo since mga bata pa tayo. Sana maalala mo ako, Bes." 

"Uhm, hello sa inyong lahat. Sorry kung hindi ko kayo maalala, pero alam kong sa loob ko na mababait kayong tao. Gusto kong kwentuhan niyo akong lahat ha? Lahat ng masasaya, malulungkot, nakakatawang ginawa nating lahat. Masaya ako dahil nameet ko kayong lahat." Ningitian ko silang lahat. Hala, bat sila naiyak lahat?! May nasabi ba akong nakakaiyak o may nagawa ba akong nakakaiyak? :|

"Bakit kayo naiyak lahat?" Tanong ko sa kanila. Etong si Zharm at Julia grabe ang iyak. Parang wala ng bukas. Tapos si Daniel napansin kong pinunasan ang kanyang luha. Gusto ko sanang punasan yun pero, di ko magawa. Gusto ko ng punasan lahat ng mga luha nila, pero may isang bagay na pumipigil sakin. DI KO SILA KILALA. :(((( :'(

We Found Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon