Chapter 27: New friends or New enemies?

4.1K 17 1
                                    

POV ni Daniel? Next chapter :)) Sa ngayon, kay Kathryn muna. 

New friends or New enemies?

(Kath's POV)

" Di parin ba siya tumatawag bes? "

" Di pa eh. Baka nagpapahinga muna. "

" Okay lang yan. Wag mong dibdibin, may likod ka pa! Hahaha! "

" Haha, sira! "

" Gurl, nakatulog ka ba kagabi? " 

" Nope. " Sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko. Hinihintay na tumawag siya.

" Ano ka ba Zharm, syempre di makakatulog yan, nasa harap ba naman ang mukha ni Dj. Hahaha! " 

" Hahaha tama! " Nag-apir silang dalawa.

" Alam mo gurl, shopping nalang tayo para di ka na malungkot. Game? "

" Gorabels na tayo Kath! Taralets! "

" Kayo nalang. Dito nalang ako. "

" Walang mangyayari kapag tititigan mo lang yang cellphone mo. Baka matunaw pa yan! Haha! "

Wala na akong nagawa. Nahila na nila ako. Parang wala ng saysay ang buhay ko. Walang kumukulit sakin na tulad ni Dj. 

MALL.

 

Daming tao. May mall show kasi si Angeline Quinto ngayon. Tilian doon, tilian dito. Kanta doon, kanta dito. 

Papasok na sana kami sa Mint nung may humarang na 3 babae samin. Mukhang matataray. Pero mukha ding mababait. 

" Ikaw si Kathryn diba? " Girl 1.

" Ikaw yung girlfriend ni Dj diba? " Girl 2.

" Ikaw yung -- "

" Wait. Isa isa muna pwede? " Tinaasan ako ng kilay nung Girl 3. 

" Oo si Kathryn at ako ang girlfriend ni Daniel. Oh ikaw, anong tatanungin mo? " Tinignan ko ung Girl 3.

" Wa-wala! " Binaling ko yung tingin ko sa Girl 2. Yung nasa gitna. 

" So ikaw pala yun. " Inikutan nila akong tatlo habang nakatitig lang sakin.

" Siya nga. Ano bang kailangan nyo kay Kath? "

We Found Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon