"May pinag-ipunan kasi ako" sabi ko pa sa kanya kaya kunot-noo nya akong tinignan.
"Bakit kasi ayaw mo ipaalam sa pamilya mo na nandito ka?" takhang sabi nya pa.
"Para san pa? Iniwan nga nila ako na parang tuta kaya ano pa pakialam nila sakin?" matabang na sabi ko pa kaya hindi na sya kumibo pa. Alam nya kasi ang takbo ng mala-teleserye kong buhay.
Sya lang talaga ang napagkakatiwalaan ko sa mga hinaing ko sa buhay. Sya lang ang bukod tanging tao na nakikinig ng mga problema kong hindi maubos-ubos pero minsan hindi nya naiintindihan ang mga desisyon ko dahil hindi nya naman naranasan ang iwan ng parehong magulang.
Lumaki sya ng may kinalakihan. Masaya at buo pa ang pamilya nila, lahat ng naisin nya ay nakukuha nya sa isang pitik ng daliri lang. Samantalang ako kailangan ko pang kumayod ng bente kwatro oras para makakain manlang ng tatlong beses sa isang araw.
Kaya hindi ko lubos maisip na may isang tao akong masasandalan kapag buong mundo na ang kalaban ko, iyong dadamayan ako kapag hindi na kaya ng buong sistema ang sakit na dinaranas ko sa murang edad. Iyong taong hindi ako iniwan kahit pa puro ako kadramahan sa buhay.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang sabi nya pa kaya ngumiti ako ng malaki sa kanya.
"Loka oo naman! Tara na nga anong oras nadin" tingin ko pa sa relong bigay mismo ni lola nung nabubuhay pa sya. Relong luma na pero pinag-iingatan ko pa.
"Dala mo bike mo?" tanong nya pa sakin kaya tinanguan ko sya.
Habang papunta kami sa mini parking sa may likod ng school namin, magsayang magkasama pa si Gino at Shaedy sa daan habang dala dala nito ang bag nya.
Nakaramdam na naman ako ng panlulumo sa pagkakataong ito.
Isinakay pa ni Gino ang girlfriend nya sa sasakyan nya at nakangiting tinahak ang daanan.
Iniisip ko na ako yung araw-araw nyang hinahatid.
Hoy Rei! Wag kang emo dyan may girlfriend na yung tao.
Kumbinsi ko pa sa sarili ko.
"Ganyan ka na lang? Eto gunting maglaslas ka na" biro pa ni Creese kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Siraulo ka!" sigaw ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakakadena ng bike ko.
"Joke yun ano ka ba?... Bagay sila no?" pang-iinis nya pa sakin kaya hinampas ko sya.
"Lintik na to, sige pasakitin mo pa dibdib ko" kunwaring hawak ko pa sa may bandang puso ko at pumikit pikit pa.
"Wala ka namang dibdib wag kang mag-inarte" ngising sabi nya pa kaya lalo ko syang sinamaan ng tingin.
Sana hindi ka prangka no??
"Puro ka kalokohan" iiling-iling na sabi ko pa at nagsimula ng magpedal.
"Anong kalokohan don?! Katotohanan yun baliw!!" tumatawa pang sabi nya pa kaya binilisan ko ang pagpadyak. "Hoy intayin mo ko!!" habol nya pa sakin.
"Ano ba bibilhin mo?" Tanong nya pa sakin pagkarating namin sa mall.
"Di ko din alam." lumilinga linga pa ko sa paligid." Hmm...tumbler na lang kaya?"
"Ano?!" sigaw nya sakin kaya sinenyasan ko syang wag maingay.
"Tumbler"
"Seryoso ka?"
"Bakit bawal ba yon?" inosenteng tanong ko pa.
"Ngayon ka lang ba makakapuntang birthday?"
"Hindi naman" sagot ko pa.
"E yun naman pala bakit tumbler??? Pinaglololoko mo ba ko?!!!"
