Chapter 3-Invading

27 4 3
                                    

"You cannot say that it's a perfect plan if there's no results yet."
-Magi

After 30 minutes of walking and hiding, ay narating din namin ang lugar kung saan nakatayo ang main institution or mas kilala sa tawag na 'Emperor's Den'. Ayon kay Magi, ay doon nila dinadala ang mga taong nakapasa sa strength test, habang ipinapatapon naman nila sa Abyss ang mga hindi nakapasa.

Isang kilometro pa ang layo namin sa E.D ngunit mula sa aming kinatatayuan ay tanaw na tanaw namin ang napakataas nitong pader.

"O-kay. So Magi, a–ano na ang plano natin?" I asked awkwardly. Nakaramdam ako ng pangamba nang makita namin ang napakataas na pader nito. Tila ba parang gusto ko nang bumalik sa isla, but we shouldn't.

"I...dont know? It's too high!" One thing that she's afraid of, she's afraid of heights. I looked at Tian. Siguro naman ay may plano siya?

"Tian?" Tanong ko rito, ngunit nag kibit balikat lang ito sa akin. He looks scared too.

"Ano na? Masasayang ang pagpunta natin dito. I know it's too risky and dangerous, but remember the reason that brought the three of us here. Tian? Magi?" I am trying to convince them, I hope it will work. "Remember guys, this is our chance. Find the blueprint and then we'll go back. So guys? Ipagpapatuloy pa ba natin?" They sighed and then smile at me.

"You're right." Sagot ni Tian, nagkatinginan sila ni Magi bago tuminging muli sa akin. "Let's do this!" Sabay nilang sabi. Napangiti ako bago kinuha ang dalawang special dagger sa boots ko.

"Don't worry, I won't let you get hurt guys." Sabay pakita ng dalawa kong dagger. If I need to fight and kill just to save my friends from any danger, then I'll do it.

"Then Magi, what's the plan?" Tanong ni Tian dito. Pinindot ni Magi ang kanyang watch at pinakita roon ang aming lokasyon sa pamamagitan ng hologram.

"So here, there are two ways para makapasok sa ED. The first route is the main entrance and the second one ay nasa likod. Sobrang higpit ng security sa main entrance. You need a barcode para makapasok. See those tattoos at their risk?" Sabay turo nito sa isang lalaki na nakabantay sa main entrance. "That's the barcode I am talking about and if you don't have that? You need to have a VIP card." Ibig sabihin ay imposible para sa amin na makapasok sa main entrance, then sa kabilang ruta kami dadaan.

"Then, we'll go to the next route?" Tian asked. She smirked na siyang ipinagtaka namin. May inilabas siyang isang green card.

"What's that?" I asked.

"Well, this is our key. Gold card is for elite people na sumagpi kay EM. Black card is for those who'll have transactions and green card for suppliers." She answered. Ibig sabihin may mga malalaya paring tao sa kamay ng mga robots? I'm glad to hear that, pero sana katulad namin ay gumagawa rin sila ng paraan para magapi ang mga ito, but it's really disappointing na malaman na may mga tao ring sumagpi sa kasamaan. But wait!

"Where did you get that card Mags?" Tanong ko rito habang nakataas ang kanang kilay. Napahagikhik siya bago nag peace sign.

"Hehe, kinuha ko sa gamit ng Dad mo sa laboratory. Minsan ka lang naman mapapagalitan eh, diba? Hehe." Grr, kaya pala nagpunta siya doon. Ako ang mananagot nito kay dad. Aish bahala na! Para din naman ito sa kanila eh.

"Fine, continue." She sighed at muling ipinagpatuloy ang kanyang plano.

-

"Tian, kaliwa ba o kanan?" I asked.

"Turn left." Sagot nito, gumapang ako pakaliwa at ramdam ko naman ang pagsunod nito sa likod ko.

We're inside the ceiling vent system. Me and Tian took this route, while Magi took the first route. It's too risky for the three of us lalo na kay Magi, because she's visible to our enemies. She will pretend as a supplier. May isang laborer kasi ang naligaw malapit sa pinagtataguan namin. I think he will just pee somewhere near us, then Magi asked me to knock him down, so I did. Kinuha ni Magi ang suot nitong uniform, and then we tied him. Thankfully, kailangan nilang magsuot ng mask, hindi nila makikita ang mukha niya.

"Hey Tian, may tatlong daan, which one?" Mahinang tugon ko dito. Salamat sa listening device at night vision lens na inimbento nina dad at hindi kami nahihirapan.

"Let's wait for her signal first. Hey Mags?" Tumigil muna kami sa paggalaw at inintay magsalita si Mags.

"On position. Confirmed." She said. According to the plan, she will be our lookout, at kami naman ni Tian ang bahalang kumuha ng blueprint sa office ng head scientist. Mag dedeliver sila malapit sa office and she's already near.

"Middle." Nagderetso ako katulad ng sinabi ni Tian. I stopped on the midway at napasilip sa may ventilation grill. Nanlaki ang mata ko sa aking nasaksihan.

"Gosh!" I was shocked when I saw something ridiculous. I saw a girl lying on a bed. She's naked, at ang bagay na ikinagulat ko ay...

"Hey why did you stop?" Takang tanong ni Tian sa likod ko.

"The girl, Tian! Ang kalahating katawan ng babae ay ginawa nilang robot!" I hysterically said. Yes, half of her body is made of metal. I know that she's a real human based on here eyes. Ang mata niya ay may buhay. What the heck EM?! What are you up to? Muli akong napatingin sa babae at halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko nang makita ko itong nakatingin ng deretso sa akin. "Oh shit! she's looking at me!" Masyado ba akong maingay? Paano niya ako nakita?! Is it possible that her vision can pass through the walls?

"Move now! Baka mahuli tayo Z!" Akmang aalis na ako katulad ng sinabi ni Tian, ngunit napatigil ako. The girl mouthed something. Ngunit bago ko pa mapansin iyon ay naramdaman ko na ang pagtapik ni Tian sa paa ko kaya wala akong nagawa at mabilis na kumilos.

"Turn right, then then you'll see a ventilation grill." Sabi sa akin ni Tian kaya kumanan ako. Katulad nga nang sinabi niya ay nakakita ako ng isang ventilation grill. It was not huge, at sa aking palagay ay hindi kakasya si Tian. So that only means I will be the one who'll take the action.

"On position. I'll try to open it." Sabi ko sa kanila. Inabot sa akin ni Tian ang isang screw at saka dahan dahan kong inalis ang mga nakakabit na turnilyo. I'm doing it without making any noise.

After several minutes ay sinenyasan ko na sila na tapos na ako sa aking ginagawa.

"There are two guards outside. Walang tao sa office. The light is off, but be careful the door is made of glass. I'll start the act now. I'll try to get their attention. You have 5 minutes to find the blueprint. Once I'll start my act, proceed." She said.

I can hear her footsteps because of the listening device we have. Maya maya pa ay nakarinig kami ng isang malakas na kalabog.

I heard her gasp na mistulang nagulat.

"ANONG NANGYARI D'YAN?" Isang boses ng lalaki. Marahil ay iyon ay isa sa mga guard. Once she start speaking, I'll make my move.

"Oh-lagot ako nito. Lagot ako nito...paano na ako?! K-kuya please tulungan n'yo po ako dito. Baka maabutan ako ng boss ko. Parang awa n'yo kuya." She said hysterically. That's the signal that we're waiting for. The plan had just begun.

Revolution XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon