Chapter 1-Escaping

74 5 6
                                    

"We can't undo the past, but we can change the future if we start doing something in the present."
Zellara Melendrez

---

"Kamusta na kaya sila?" Napatingin ako sa gawi ni Magi na kasalukuyang nakatingin sa malawak na karagatan. She's pertaining to those persons who was captured by the robots.

I just shrugged my shoulder, instead of answering it. Hindi ko rin alam ang kasagutan sa tanong niya. We don't know kung ano ba ang nangyayari sa labas ng isla.

Tila isang alon na paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan kung paano nagsimula ang lahat.

A year ago, I was mad at dad dahil hindi ako pabor sa paggawa niya ng humanoids, because it will just destroy the humanity. I want him to quit his team, but he didn't. He said that it will be his biggest break bilang inventor at scientist and because of that, a gap had been created between us. Bihira nalang kami mag-imikan. Tama nga si dad, kinilala sila ng lahat. Nang mailabas sa publiko ang kanilang produkto ay tinangkilik ito hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, and with an instant, naging bilyonaryo kami.


Aanhin ko ang kayamanan kung mamamatay naman tayong lahat? Bakit? Kasi naniniwala akong hindi makakabuti ang mga humanoids na 'yan para sa atin. Yes, they can help us with everything, pero paano kung dumating ang araw na makontrol sila? I don't know why do I have to think that way.

Until one day, nagkatotoo ang lahat ng sinabi ko. Isang virus ang pinakalat sa mga humanoids a few months after it was released. And with in a day, they were all controlled by an unknown villain. Dad and his team tried really hard to fix it, but the virus was stronger. They became more violent day by day. Tila na-reprogrammed sila upang tapusin at mapasunod kaming lahat.

Sa isang iglap ay nabaliktad ang sitwasyon. Ang tao na ang nakokontrol ng mga robots. We were forced to obey their mysterious leader. Kung sino man siya, wala siyang puso!

They captured everyone, but I don't know where they are. We escaped before they can reach us.

Together with dad and his team, kasama ang pamilya nila ay tinungo namin ang underground secret laboratory ni Dad sa isang isla na malayo sa kabihasnan.

Sa loob ng ilang buwang pananatili namin dito sa isla ay nagpursigi sila upang gumawa ng isang bagay na makakapigil sa mga robots. We were glad that we're not still detected by those humanoids. They plotted something in this laboratory na makakapagtago sa amin. It feels like we're invisible. But we cannot assure that we're safe here. I know someday, that robots will found this place, but when that time comes I will make sure that we we're prepared.

They were guilty, I can't help myself but to blame them. In the first place, they are the one who created those monsters. They were blinded with those false innovation and with the money that they will get if they succeeded. And they succeeded, succeeded to create a destruction instead of innovation.

"Magi, I can't stay here for another day na nakakatulog ng mahimbing habang ang mga taong naiwan natin ay nagdudusa sa kamay ng mga halimaw na 'yon." I can see the curiosity in her eyes when she looked at me.

"What do you mean?" She have a hint on her mind and now she's confirming it. Isang ngisi ang ibinigay ko sa kanya saka ibinulong ang plano ko.

-

"Are you serious about this Zera?!" Alas dos palang ng madaling araw at heto kami ni Magi at naghahanda ng aming mga kakailanganin.

"Shh! Huwag ka ngang maingay Magi. Baka magising sila!" Pabulong ngunit may diin kong sabi sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pag iimpake ng mga gamit na makakatulong sa aming plano.

What's our plan? Well, simple lang. We're going to leave here and check what's happening outside the island with our own eyes. Pagod na akong manghula kung ano ba talaga ang kalagayan ng mga tao ngayon. It was originally my plan and I just dragged Magi with me.

"Zera! Mapapagalitan tayo ni dad lalo na ni tito!" Isinara ko muna ang zipper ng aking itim na backpack bago ko hinarap si Magi.
Si Maria Gillete also known as Magi ay anak ng isa sa mga scientist na kasama namin sa pagtakas. We're on the same age kaya mabilis kaming nagkasundo.

"You know what, if you don't really want to come with me, then stay here and cover me up from dad. Simple as that Mags." Sabi ko rito bago isinakbit ang aking bag. She gave me a confused look.

"But-ugh fine! I'm in. But make sure, once we figured out kung ano ang nangyayari sa labas ay babalik tayo rito." I gave her an assuring smile saka tinapik ang kanyang balikat.

"Of course, Magi. Pagkabalik na pagkabalik natin dito ay saka tayo mag iisip ng plano kung paano natin sila matutulungan." I signaled her to come out. Dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto at nag-iingat na gumawa ng kahit anong ingay. Dali-dali naming tinungo ang storage room kung saan nakatago ang mga pagkain at ilang sa mga inventions nina dad.


"Get something useful Magi." She didn't answer, instead she started packing things kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

Kumuha ako ng mga bagay na kakailanganin namin sa pagtakas. Survival kits and some stuffs. Nang matapos ako ay sinenyasan ko na si Magi na lumabas ng storage room.

"Follow me Zera." I don't know what she's up to pero tumigil kami sa harap ng pinto ng main laboratory nina dad.

"Are you out of your mind? Delikadong pumunta tayo dito!" Pabulong kong sabi sa kanya. Malapit lang kasi ang main lab sa kwarto ng mga scientist which happens to be my dad and his team.

"Just stay here and be a look out." Oh shit. Kinakabahan tuloy ako. Ano ba kasing kailangan ni Magi doon?!

'Wag sana nila kaming mahuli, dahil kung hindi? We're dead.

Ilang minuto rin ang lumipas ay lumabas na rin si Magi mula sa lab na iyon. Dali-dali ko siyang hinigit palayo sa kwarto nina dad at saka namin tinungo ang daan palabas. We were close to the exit, but something startled us.

I can hear some footsteps near us. Bigla kong hinila si Magi patago dahil sa takot na baka mahuli kami.

"Aray nama–" hindi na naituloy ni Magi ang pagrereklamo nito dahil bigla kong tinakpan ang kanyang bibig ng aking palad. "H'wag kang maingay Mags, baka mahuli tayo." Bulong ko rito.

"Sinong manghuhuli?" I froze when I heard that familiar voice at my back. Dahan-dahan akong napalingon at halos mapasigaw ako nang makita ko ang pagmumukha ni Tian na nakikitago rin kasama namin, mabuti nalang at natakpan ni Magi ang bibig ko.

"At sino naman ang pinagtataguan niyo? Bakit gising pa kayo?" Sunud-sunod niyang tanong sa amin, but no one answered. Parehas kaming kinakabahan ni Magi.

Tian Israel, anak ni Tito Vic, kateam ni Dad. Hindi na ako magtataka at nakita niya kami kahit nagtatago. He's good at locating someone and he's good with direction. He's a living map and compass.

Napatingin siya sa bag na nakasakbit sa likod namin.

"Where are you going?" Uh-oh! We're dead.

Revolution XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon