Chapter 4-Failure?

18 3 0
                                    

"Failing is not losing, sometimes it's just a process of winning."
-Tian Israel

Magi's POV

Pigil ang hininga ko nang lumapit sa akin ang isang bantay. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Hindi ito isang pulidong plano, kung hindi isa itong suicide plan. There's just a 30% chance that we may succeed, but here we are, risking our lives for the humanity.

"K-Kuya please po...Kailangan ko na po k-kasi ito madala s-sa storage room bago d-dumating ang boss ko." Garalgal na sabi ko. Magagamit ko rin pala ang pagiging isang theater artist ko noong high school. Habang pinupulot ko ang mga nagpatak na gamit sa sahig ay aksidente kong nahawakan ang isang basag na test tube na nagdulot sa akin ng malaking hiwa sa aking palad. Namutla ako nang makita ko na may dugong tumulo mula sa aking kamay.


"D-Dugo! M-may dugo! A-ALISIN N'YO ANG D-DUGO!" Hysterical na sabi ko kaya nakuha ko ang atensyon ng isa pang bantay. Sa gilid ng aking mga mata ay kita kong naghahanap na si Zera sa desk ng scientist. Hindi siya agad maaaninag dahil madilim sa office ngunit dahil sa night vision lens na suot ko ay kita ko ang ginagawa niya.

Binalik ko ang atensyon ko sa dalawang bantay na nasa harap ko. Nag-iiyak ako ng malakas at tulalang napatingin sa aking kamay, bago humagulgol ng mas malakas. I am not actually afraid of blood but it's just my skit to lure them.


"Miss kumalma ka nga, baka dumating ang boss sa ingay mo." Sambit ng isa sa mga ito, ngunit nang makita ko muli ang dugo sa aking palad ay mas lalo pa akong napahagulhol.

"Xeron, pahiram nga ako ng panyo mo d'yan." Lumuhod sa harap ko ang isang bantay. Napatingin ako sa pagmumukha nito at sa kasama niya. They're too handsome to be a guard, but the hell I care, I must get their attention.

"Tss! Here." Sabay abot nito nang isang panyong puti. Itinali ito nang nakaluhod na bantay sa aking kamay. Tumigil tuloy ang pagtulo ng dugo.

"Mags, I need more time." Rinig kong sabi sa akin ni Z. Sa palagay ko ay nahihirapan ito sa paghahanap.

"S-salamat. Mga kuya...parang awa niyo na po. T-tulungan niyo p-po akong dalhin ang m-mga ito sa s-storage r-room. P-pakiusap." Patuloy ang pagtulo ng luha ko habang sinasambit ko ang mga katagang iyon. Nagkatinginan ang dalawa ngunit kita ko ang pag-iling ng lalaking sa tingin ko ay nag ngangalang Xeron.

"Guys, may pass code ang drawer. Give me another 5 minutes. Tian try to decode this." Oh my! Kailangan ko pang umarte ng mas matagal. Nanginginig na ang tuhod ko sa takot mabuti nalang at dahil dito ay mas mukhang makatotohanan ang arte ko.

"Pasensya ka na Miss, bawal naming iwan ang office na ito, baka may makapasok. Mapapagalitan kami ng head scientist." Sagot ng lalaking nakaluhod sa aking harapan. Ugh I need to act more. I need to convince them.

"P-parang awa mo na kuya. Alam mo bang napakahalaga ng mga bitbit ko ngayon? Hindi lang ang head scientist ang magagalit kapag hindi ko nadala ang mga ito sa tamang oras, kung hindi pati si EM." Pananakot ko sa kanila na sana ay umubra. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung para saan ba 'tong bitbit ko.

"X-Xeron, iyan siguro yung mga chemicals na gagamitin para sa mga bagong testers. Lagot tayo nito. Nako miss baka maabutan tayo ng boss mo. Kami na muna ang magdadala dito. Bantayan mo muna saglit ang office. You can't carry this boxes with your injured hand." Napabuga ako ng hangin sa narinig ko. Kumagat sila sa akto ko, pero ano ang ibig sabihin nila na para ito sa mga testers?

Revolution XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon