Chapter 5-Awakened

31 4 4
                                    

"We have to do this before its too late!" Katrina frustratedly said. She's the only doctor on their team. Tiningnan niya ang mga sugatang kabataan sa kanyang harapan. They're all in critical condition and there's only one solution to save their lives.

"No! What if we failed? I can't risk their lives!" Pagtanggi ni Albert, he don't want too see his daughter in that kind of situation, but even though there's already a solution, hindi siya pumayag. Their invention is not fully furnished and not tested.

"Do you want to see these kids die?! We all know that this is the only way! Their vitals are going down!"

"Katrina and Albert, we don't have enough stocks of blood! We need to proceed now!" Singit ni Patricio sa dalawang nagtatalo. Muling hinarap ni Katrina si Albert at matamang tiningnan sa kanyang mga mata.

"Albert, she's also important to me, to us. Now, kung magmamatigas ka pa d'yan, she will die! I know it's too risky but we have to try! It's now or never Albert. Now choose." Muling napatingin si Albert sa kanyang anak, halos hindi niya makayang tingnan ang itsura nito dahil sa napakaraming sugat na kanyang tinamo. Muli itong humarap kay Katrina.

"Fine. Let's do this. Patricio, ready the laboratory. We will proceed within 5 minutes." Napangiti si Katrina at Patricio sa naging tugon ni Albert, tumango sila dito at mabilis na nagsikilos.

Lumapit si Albert sa isang computer at nagsimulang mag-type ng command upang kuhanin at i-access ang kanilang research.

'Accessing Project: Revolution X complete.'

-

'Hibernating Process Complete'


Where am I?

All I can see is white walls. The room is empty, there's no door or windows either. Where am I?

Tila ba ay nasa isa akong puting kahon. Hindi ko alam basta nagising nalang ako na nasa loob ako ng puting kwartong ito. Nanaginip ba ako? O hindi naman ay nahuli na rin ako ng mga robots? I hope not.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit bago pa man ako makatayo ay bigla nalang dumilim ang paligid. Anong nangyayari?!

Wala akong makita. Napakadilim ngunit ilang segundo lang rin ay biglang nagbago ang paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

My memories since I was a kid flashes really fast hanggang sa huling alaala na natatandaan ko. Tila ba nanood ako ng napakahabang pelikula sa loob lamang ng ilang minuto. I don't know what's happening, but it made me really curious. Panaginip lang ba talaga 'to?

'Restoring Memory Complete'

'Launching Revolution X Code 08 after 1 minute'

Biglang nagdilim ang paligid at halos mapasigaw ako nang makaramdaman ako ng pagdaloy ng kuryente sa aking katawan, ngunit kahit anong pagsigaw ang gawin ko ay walang boses na lumalabas sa aking bibig.

'Make it stop! Stop!'

Pumikit nalang ako at tiniis ang sakit. I don't have any choice but to tolerate the pain, I can't make it stop! I don't have voice and I can't see anything.

Malakas ang paghinga ko, bigla kong naimulat ang aking mga mata nang mawala na ang kuryente. It felt like I was revived from an almost death.

"W-We succeeded?" Napatingin ako sa taong nagsalita. I know that voice. It's dad, it's unusual for me to see his long beard. Bakit pakiramdam ko ay napakatagal naming hindi nagkita? They succeeded? With what?

"Katrina, check her condition!" Nakita ko ang paglapit ni Tita Katrina sa isang monitor.

"Her vitals are fine! We succeeded!" Tuwang sabi nito.

"F-finally! Y-you're back...my daughter." Napalingon ako kay dad at nagulat ako nang makita ko itong umiiyak. Akmang lalapitan ko na sana siya ngunit hindi ko maigalaw ang aking katawan.

Napatingin ako sa aking sarili, halos manlaki ang mata ko nang makita kong napakadaming tubo ang nakakabit sa akin.

"Release her, Katrina." Sabi ni dad. What happened? Bakit puro tubo ang aking katawan?

Maya-maya pa ay nakita ko ang pagkalas ng lahat ng tubo sa aking katawan, but what the?!

Bakit parang kakaiba ang aking kanang kamay? Hinawakan ko ito, normal ang itsura niya, pero iba ang pakiramdam. Nagtataka akong napatingin kay dad. Naiiyak itong lumapit sa akin.

"Come out, my daughter." Naiiyak nitong sabi sa akin. Katulad nang sinabi niya ay umalis ako sa aking kinatatayuan, doon ko lang rin nalaman na nasa loob pala ako ng isang nakabukas na malaking tube kanina. I thought I was on an empty room? Naguguluhan ako. What happened?

"D-Dad...w-why are you crying?" All my hatred for dad disappears when he hugged me. Habang yakap niya ako ay ramdam ko ang pamamasa ng suot kong puting hospital gown. Marahil ay luha ni Dad. I'll just ask him later when he's already fine. I hugged him back and started savouring the moment.

"WHERE IS SHE?" Napakalas ako ng yakap nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig. Doon ay bumungad sila sa akin. They are both panting, tila ba'y napakalayo ng kanilanh tinakbo. Magi and Tian.

-

Sorry for the short and very late update. Sana may nagbabasa pa po. Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revolution XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon