"Let's get out of the safe zone and face the real deal."
–Tian Israel---
"Tian! Wala ka na bang ibibilis pa?! Sabi kong ako na eh!" Reklamo ko kay Tian, kasalukuyan kaming nakasakay sa isang speed boat. Malayo na kami sa isla at sa palagay ko ay alam na nina dad na umalis kami dahil paniguradong nagising sila sa ingay ng speed boat.
Yes, kasama namin si Tian. Akala ko isusumbong niya kami, but I think that it's a coincidence na parehas kami ng iniisip. Plano niya rin pala na umalis ng isla kaya gising na rin siya nang mga oras na iyon. We decided na magsama-sama. I know na sangkatutak na mura at parusa ang aabutin namin kina dad pagbalik namin, but if it's the consequence of knowing the truth, then we're ready to face it.
"Let's just stay with this kind of speed. Baka ma-detect pa tayo ng mga robots, mahirap na." He said.
"But we injected formula x naman diba?" I asked, ang formula x na aking tinutukoy ay isa sa mga invention nina dad. It will help us para hindi kami agad ma-detect ng mga robots. Tila ba magiging isa kaming blind spot sa mga robots. They wouldn't recognize that we're humans. But it won't last long kaya kailangan din namin makabalik agad.
"Yes, pero ang kakaibang bilis ay maaari nilang ma-detect. It will be suspicious and then they will hunt us." Paliwanag sa akin ni Magi. I just shrugged my shoulder. Okay, talo ako. I am not brainy like them. Hindi ko rin namana ang katalinuhan ni dad.
Kung si Tian ay magaling mag locate at magaling sa directions, then Magi is great in doing plans. Kapag siya ang nagplano, paniguradong walang palya.
But there's one thing na ikinalamang ko sa kanila. I am a good fighter. I know how to use different kinds of weapon at bihasa rin ako sa iba't-ibang martial arts. Hindi ko man namana ang pagiging genius ni dad, pero namana ko naman ang pagiging fighter at ang assassination skills ni Mama. Yes, my mom is an assassin and that's one of the reason kung bakit hindi na namin siya kasama.
"Can I sleep for a while?" Napalingon ako sa naghihikab na si Magi. I smiled at her saka tumango.
"Gigisingin ka nalang namin kapag malapit na tayo. How about you, Z?" Tanong sa akin ni Tian, but I just shook my head and smile at him.
Tiningnan ko nalang ang kabuuan ng isla. We are leaving the safe zone. We don't know kung ano ang kakaharapin namin pagkarating doon, pero ang pangako naming tatlo sa isa't-isa ay babalik kami sa isla ng buhay at may nabuo ng magandang plano kung paano ililigtas ang bansa.
Sinubukan kaming tulungan ng ibang bansa, but they failed many times, paparating palang ang tulong ay pinapasabog na iyon ng mga robots hanggang sa magsawa na sila at tumigil na dahil sa bantang sasakupin din ng mga robots ang kanilang bansa. Ngayon, kami ang iisip ng paraan kung paano ililigtas ang aming bansa. Lalo na kami nina Magi, we were burdened by our parent's failure.
"Z, rest for a while. Kailangan mo ng lakas pagkarating natin doon. You will be our primary offense and defense. You will be our body guard, kaya get some rest, stupid." Nakangisi niyang sabi, he really knows how to pissed me, but somehow, I find it sweet. I know na hindi niya ako maco-convince sa simpleng salita, that's why he joked about it.
"Fine, you coward." I said, saka tumabi kay Magi at pumikit na. It will be a new journey when we woke up.
-
"Woah! We're finally here!" Manghang sabi ko. Nakita ko na naman ang nagtataasang gusali, ngunit hindi na iyon katulad ng dati. Sira na ang ilang sa mga ito.
"Shh! 'Wag kang maingay Zera. Baka mahuli tayo." Pabulong na sabi ni Magi.
"So what's our plan, Mags?" Sabi ni Tian. Nagtatago kami sa madilim na eskinita.
"Well, according to my research ay may isang institution na itinayo si EM at iyong ang tinatawag nilang Abyss. Doon nila inilagay lahat ng mga taong hindi pumasa sa test." She explained. Test? What does she mean?
"What test? Para saan 'yon?" I asked, biglang nagseryoso ang mukha nito at tila ba puno ng galit ang mga mata.
"Strength test, EM is planning to form a new army. I don't know the reason kung bakit niya ginagawa iyon at ang mga hindi nakapasa sa strength test ay inaalipin nila and worse, pinapatay nila. EM is indeed an evil. Tsk!" Ang EM na tinutukoy ni Magi ay ang taong may kagagawan ng lahat. Ang nagpakalat ng Evolution Z. EM stands for Emperor M but for us, it stands for Evil Master.
"So the plan is here, Tian, find a safe route papunta sa institution. Magmamanman tayo sa kanila, and if possible ay mag liligtas tayo ng kahit isang tao na maisasama natin pauwi. But first, kailangan nating mabawi ang blueprint. Sa palagay ko ay itinago nila ito sa Emperor's Den." She said. Tian nodded, he started locating the institution using his hi-tech watch. May lumabas na hologram at ipinapakita doon ang lahat ng ruta patungo sa institution.
He's analyzing the route na isa sa expertise niya. Kailangan naming mabawi ang blueprint ng mga robots na ginawa nila dad. I don't know why, pero iyon ang pakay ni Tian dito.
"Done. Let's proceed." He said, saka nanguna sa paglalakad. Sinundan na lamang namin siya ni Magi.
Nakalagpas na kami ng isang kanto ng bigla kaming hinigit ni Tian patago sa likod ng basurahan.
"Ang baho naman Tian eh–" tinakpan niya ang bibig ko at sinenyasan ako na huwag maingay.
"Guni-guni mo lang ata 'yon Menard eh! Wala namang tao dito!"
"Ay namalik mata nga lang siguro ako."
Akala ko ay robots ang pinagtataguan namin, mga tao rin pala. Pasimple akong sumilip mula sa aming pinagtataguan. Dalawang malaking lalaki na nakasuot ng puting damit.
Nang maramdaman ni Tian na nakaalis na ito ay saka niya kami sinenyasan na lumabas. Napaubo kami ni Magi dahil sa nakakasulasok na amoy ng basura.
"Why are we hiding from them, Tian? They're not robots." Tanong ko rito.
"Sa pagkakataong ito ay hindi lang robots ang kalaban natin..." Sagot nito.
"But also those humans na nakapasa sa strength test." Pagpapatuloy ni Magi.
It will be harder for us kung pati tao ay magiging kalaban rin namin. I hope we can survive and end this disaster.

BINABASA MO ANG
Revolution X
Fiksi IlmiahHow can you say that the world is improving? A sudden outbreak of world's innovation, that will turn into a world destruction? A project of a human evolution, that will end up into a people's revolution? Are we really improving or we are just destro...