Sa Ngalan Ng Pag-Ibig (Alternate Version)

20 0 0
                                    

BABALA: Ang lengguaheng ginamit sa istoryang ito ay malim na tagalog.

Ginising ni Simon ng isang maliit na sinag ng araw na tumagos mula sa butas bubungan ng gusali. Nilinga-linga niya ang kanyang paningin, bahagya siyang napabuntunghinga ng rumihistro na rin sa wakas sa kanyang isipan ang kanyang kahabag-habag na kalagayan. Naaninag niya ang paligid gamit ang kakaunting liwanag, siya ay nakagapos hindi lamang ang kamay bagkus pati na rin ang kanyang paa nilikha ng maghigpit na lubid na nakatali sa kanya. Inimpit niya ang kaunti ang katawan at sinubukang kumawala sa pagkakagapos sa bangkito ngunit waring ang katawan na niya ang kusang sumusuko dahil sa kawalang lakas. Maya-maya ay nakarinig siya na yabag ng mga paa na wari’y sa direksyon niya ito papunta. “Kamusta ka Simon?”, sa wakas ay binasag na ng pamilyar na boses ang katahimikang kanina pa bumibingi sa kanya. Itinaas niya ang kanyang ulo upang maaningan ang mukha ng pinagmulan ng boses. “Bakit ka narito?” tanong ni Simon kay Rosa, ang dati niyang kasintahan. “Ano ba ang nangyari?” sunod na tanong niya na naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.

“Alam mo naming mahal kita, bakit mo ako iniwan?” pahayag ni Rosa imbis na sagutin ang mga tanong ni Simon. Bumalik ang gunita ni Simon, matandaang nag-uusap sina Rosa at Simon sa di kalayuang lugar na kung saan sila lamang ang naroon. “Makinig ka ng mabuti Rosa.” Paumpisa ni Simon: “Nais kong magpasalamat sa lahat ng kabutihan mo ngunit nais ko ng makipaghiwalay.” Bahagyang napaawang ang bibig ni Rosa ng dahil sa pagkabigla sa narinig at hindi na niya namalayang na dumadaloy na ang butil ng luha sa kanyang pisngi. “Nais kong matapos na ang lahat sa atin.” Iyon lamang at humakbang na palayo si Simon. Naiwan si Rosa sa kanyang kinauupuan na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Lumipas na ang ilang lingo ng walang anumang balita si Simon kay Rosa ngunit para sa kanya mainam na iyon. Alam niyang mali ang kanyang ginawa ngunit hindi na niya pa kanyang pigilan ang nararamdamang pagmamahal sa ibang babae at iyon si Lucia. Bagamat mahalaga si Rosa sa kanya ay pinili niya itong hiwalayan sapagkat ito lamang ang balakid sa kaligayahang nais nyang matamo kasama si Lucia. Isang araw, siya ay naglalakad patungo sa tagpuan nila ni Lucia ng biglang may humintong sasakyan sa kanyang harapan at bumaba ang limang armadong lalaki. Nakipag-amok sya sa pag-asang siya’y makakatakas ngunit ng sabay-sabay na umamba ang limang kalalakihan ay hindi na siya nakapag-pumiglas at dali-dali siyang isinakay at humarurot na ng takbo ang sasakyan. Nakaramdam siya ng pagkahilo ng may maramdaman siyang matigas na bagay na humampas sa kanya ulo. “Ano? Naaalala mo na ba ang lahat?” tanong ni Rosa na waring nabasa ang kanyang pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari. “Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito?” matigas na sabi ni Simon na may halong galit. Alam na niya ang nasa isip ni Rosa. Humalakhak ng pagak si Rosa. “Oo, ako nga. Nais kong maramdaman mo rin ang sakit at pagdurusang aking naranasan ng ako’y iyong iwan.” may pait sa mga salitang binitiwan ni Rosa.

“Huwag mong gawing miserable ang buhay mo Rosa at hindi pa huli ang lahat upang tigilan mo ang kabaliwang ito!” Nagngit-ngit sa galit si Rosa sa kanyang mga narinig kaya’t awtomatikong kinuha niya ang kanyang baril at itinutok kay Simon na ngayon ay siya naman ang nabigla ngunit nakabawi din at nag-apuhap siya ng solusyon upang hindi ituloy ni Rosa ang kanyang masamang balak, Bumuntong-hininga na lamang si Simon ng mapag-isip niya na hindi na niya matatakasan pa ito sa nakikita niyang pagkadesperado ni Rosa. Ayaw na ni Simon na lokohin pa si Rosa kung ano ang totoo niyang nararamdaman. Mahal niya si Lucia at kahit sa kamatayan ay nais niyang ito ang maging huling babae sa buhay niya. Nakarinig siya ng malakas na putok ng baril kaya’t siya’y napapikit. Dinama niya kung may tama ba siya ng baril ngunit wala naming bakas ng anumang sugat ang kanyang katawan. Halos mapaawang ang bibig ni Simon sa sobrang pagkagulat dahil sa babaeng nakahandusay sa kanyang harapan na ngayon ay naliligo na sa kanyang sariling mga dugo. Itinutok ni Rosa ang baril sa kanyang bibig at tsaka itinulak ang gatilyo. Biglang nakita ito ni Lucia. "Hayop ka! pina-ikot mo kami ng ate ko!" Kinuha ni Lucia ang baril at itunutok ito kay Simon. "Para sa'yo ito ate". Sabay alingawngaw ng baril.

Colors From The Fallen RaindropsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon