Kabanata 4
Saglit na humupa ang usapan sa bangka nang mapanga-nga kame sa ganda ng paligid. Ang kulay blue na tubig sa dagat dahil sa reflection ng ulap. Ang mga punong matatayog na tila ba sumasayaw dahil sa hangin. Maging ang kabundukan na pumapalibot sa amin ay nakakamangha.
Now this is heaven!
Napapangiti ako sa bawat dampi ng tubig sa aking kamay. At kahit na tinatangay ng hangin ang nakalugay kong buhok ay hindi ako nakaramdam ng pagkairita. Ang sarap sa feeling na dumadampi ang hangin sa aking pisngi. Naamoy ko rin ang alat ng dagat at kahit pa nga tirik ang araw ay hindi ito nakabawas sa kagandahan ng paligid.
"Ari, say cheese." tunog ng polaroid na hawak ni Ava ang narinig ko.
Hindi pa man ako nakakabawi ay sunod-sunod na click na naman ang narinig ko. Tatawa-tawa naman ako ng balingan ko siya.
"Awww..this is a perfect shot!"namamanghang sabi ni Ava. Hawak niya ang isang print ng picture na kinuhanan niya kanina.
Nang iabot niya sa akin iyon ay namangha rin ako. Hindi dahil ako ang nasa picture kundi kung paano nakuhanan ni Ava ng stolen shot ang nature at ako. Sa picture kase ay nakatingala ako sa ulap habang nakangiti.Ang buhok ko ay hinahangin ngunit hindi nun natakpan ang mukha ko na galak na galak. Sa background ay ang lumilipad na kulay puting mga ibon at ang reflection nila sa tubig.
Wow!
"This is AMAZING!"bunghalit ko naman kay Ava.
"I know right. Pag-ikaw talaga yung subject ko lahat ng nasa paligid nagco-compliment. You give life to nature Ari."nakangiti niyang sabi sa akin.
Sobrang na-flatter ako sa sinabi niya. I don't know that i give such an impact in just simple photo.
"Thanks Avs, you're just a great photographer that's why." Balik compliment ko naman sa kanya.
"Uy..ano yan. Sali kame sa picture."biglang singit ni Chinee.
Maging si Euri ay nakisali na rin.Nauwi ang masaya namin byahe sa pagkuha ng selfie at groupie. Maging sina Kuya Kiel,Lander at Axel ay nakisali rin. Tumigil lang kami ng matanaw na namin ang daungan.Nandoon na ang mga pinsan namin na kakababa lang rin ng bangka.
Nang malapit na sa pangpang ay tumalon na agad si Axel at nagtungo kina Chase.
Isa-isa namang dinala ni Kuya Kiel ang mga gamit namin habang si Lander ay inaalalayan kaming bumaba.
Nang matapos na niyang alalayan sina Euri, Chinee at Ava ay inilahad na niya ang kamay niya sa akin. Tinantiya ko muna kung seryoso ba siya baka kase mamaya ay nangti-trip na naman ang lalaking to.
"Prinsesa baba ka ba o hindi." Tinig ni Lander na nang-aasar.
"Kaya ko naman bumaba mag-isa kaya umalis ka jan."sabay irap ko sa kanya.
Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.
"Anong nakakatawa."tanong ko pa. Nakakairita talaga siya kahit kelan.
"Wala naman. Tutulungan ka na ngang bumaba."Sabay lahad ulit ng kamay niya.
Di ko naman siya pinansin dahil namataan ko si Kuya Kiel na padating na. Nang makalapit ay iniabot niya sa akin ang kanyang kamay tsaka binalingan si Lander.
"Kahit kailan ka talaga Lander. Tantanan mo na nga ang pang-aasar mo kay Ari."natatawang sita niya dito.
Di ko naman pinansin kung anong naging reaksyon ni Lander sapagkat inabot ko na ang kamay ni Kuya Kiel. Nahampas ko pa siya ng biruin niya ako na mahuhulog.
BINABASA MO ANG
SS#1: Embracing My Brothers Love
General FictionWarning: This story contains words, scenario and explicit contains that are strictly prohibited to children. If you are minors and don't want to be corrupted your innocence, PLEASE spare reading this story. Names, places, events that has similaritie...