SS#1: Embracing My Brother's Love 01

21 0 0
                                    

Kabanata 1

"Ari..hurry up. Nagiintay na sina kuya Kiel sa kotse malalagot tayo dun." sigaw ni Chinee sa akin.

Hmpt. Ang aga-aga pa naman excited palagi.

"Oo andyan na. Andun na ba sina Ava at Axel?" tanong ko pa patungkol ko sa pinsan kong kambal.

"Oo andun na. Si Chase ay andun na rin. Sina ate Mitch, Kuya Lander at Euri ay papunta na rin." Banggit niya pa sa ilan kong mga pinsan.

"Oo na. Give me a minute, nagbibihis na ako." Pasigaw ko pang sabi.

"Oo na, basta bumaba ka agad."

Narinig ko pa ang mga yapak ni Chinee pababa ng hagdan.

Nagmadali naman akong isuot ang floral dress ko. Sa ilalim nito ay ang aking ternong panloob na kulay green.

Pagkakuha ko sa bagpack ko at isang maliit na luggage ay nagmadali na rin akong bumaba ng hagdan.

Sa taas pa lang ay rinig ko na ang mga kantsawan at asaran ng mga pinsan ko. Maging ang mga paalala ni Yaya Meling kay kuya Kiel.

"Kiel ang sinasabi ko sayo huh. Iyang si Ari ay dapat laging may kasama. Naku! Pagagalitan ka ng Auntie at Uncle mo pag nagkataon." Mahabang pangaral ni Yaya Meling.

Nakita ko pa ang pagtango ni Kuya Kiel tanda ng pagsuko niya sa kakulitan ni Yaya Meling. Nang makita niya ako ay nagmadali siyang lumapit sa akin at kinuha ang luggage at bagpack ko.

"Thanks kuya." Sabay yakap at halik ko sa pisngi niya.

"Your welcome Prinsesa." Sabay gulo niya sa buhok ko tanda ng pangiinis.

"Tsk. Kuya. Stop it. Ang tagal kong inayos yan eh." sabay nguso ko pa.

"Aysus. Daming arte." Sabay pisil naman sa pisngi ko.

"Arggg. Kuya!!!!" sigaw ko sa kanya. Grabe! Ang sakit kaya nun.

Bigla na lang siyang tumakbo at ng hahabulin ko na ay humarang naman si Yaya Meling.

"Ari. Ano ka ba? Ba't tumatakbo ka, paano kung madapa ka? Ito talagang batang to oh."

Niyakap ko naman si Yaya Meling.

"Uyy si Yaya, mami-miss mo ko ano? Ba't di ka kase sumama?" Binahidan ko pa ng pagtatampo ang boses ko.

"Alam mo naman na marami akong gagawin dito sa bahay. At tsaka may mga bilin pa ang Mommy mo na di ko pa nagagawa." habang sinasabi niya yun ay hinahaplos-haplos pa niya ang buhok ko.

Natuwa naman ako. Lagi kaseng ganyan si Yaya. Way niya yan ng paglalambing. Bata pa lang ako ay si yaya na ang tumayo kong pangalawang ina. Lahat ng bagay tungkol sa akin ay mas alam niya pa kesa kay Mommy. Siya lang kase ang palagi kong kasama. Naalala ko pa na sa tuwing may Business Trip sina Mom and Dad ay tinatabihan ako ni yaya para makatulog. That's when i was 5 years old. Kaya sobrang mahal ko rin itong si Yaya eh.

"Ehermm. Yaya Meling baka pede na po namin hiramin si Ari. Baka kase ma-traffic pa kame sa daan." Pagsingit naman ni Kuya Kristoff sa usapan namin ni Yaya.

"Oh siya. Eh nagpaalam ba kayo kay Kane?"

Napatikom naman ng bibig si Kuya Kristoff.

What the? Hindi sila nagpaalam kay Kuya??

Tiningnan ko naman sila. Pawang mga nakaiwas ang tingin nila sa akin. Naku po! Patay!

"Aba't? Ano ba naman kayong mga bata kayo ala----.." pangaral pa ni yaya ngunit pinutol ni Kuya Kiel.

"Nagpaalam po kame Yaya. Kausap ko siya kanina sa phone."paliwanag naman ni kuya Kiel.

Hindi pa rin ako kumbinsido at ganun rin yata si Yaya.

"Ay siya..tatawagan ko muna at ng makasigurado."

Akmang tatalikod na si Yaya upang magtungo sa telepono ng pigilan ito ni Kuya Kiel.

Inilabas niya ang kanyang phone at pinakita ang ebidensya.

"Ayan Yaya Mels oh. Tinawagan ko siya kaninang 6am, tumagal nga ng 1 oras ang tawagan namin , naputol lang dahil may importanteng meeting daw siya ng alas otso kaya papasok na daw siya" mahabang paliwanag ni Kuya Kiel.

Tiningnan ko naman si Yaya. Sinipat niya pa ang phone at pagkatapos ay tumango-tango pa.

"Oh siya. Kayo'y umalis na para di kayo abutan ng traffic." Saka niya ako binalingan at inayos ang nalaglag kong ilang hibla ng buhok. Nakita ko pa ang bahagyang pagsuntok ni Kuya Kristoff sa hangin. Ang bahagyang pagngisi ng ilang kong lalaking pinsan. Ang apiran ng mga babae kong pinsan sa loob ng Van. At ang paglunok ni Kuya Kiel.

Tss. Mga Siraulo! Malamang sa malamang ay may kalokohan na ginawa ang mga ito.

"Sige po Ya, una na kame." Pagpapaalam ko naman.

Nagsipasukan na ang mga pinsan ko sa sasakyan. Bale apat ang gagamitin namin papuntang Alcala.

Yung Range Rover na sasakyan ni Kuya Kristoff kung saan nakita kong sumakay si Ava at Axel. Yung Fortuner ni Kaleb kung saan andun sina Magui, Austin at Filan. Habang yung isang sasakyan naman ay pabyahe pa lang which is yung sasakyan ng magkakapatid na Mitch, Lander and Euri. Samantalang dito naman ako sasabay kina Kuya Kiel, with Chinee and Chase.

Hayyst. Kung andito si Kuya hindi yun papayag. Malamang sa malamang ay yung Subaru niya ang sasakyan naming dalawa.

Pagpasok ko sa backseat ay niyakap naman ako ni Chinee.

"Waaahhh..muntik na tayo dun Ari." sabay paypay niya pa gamit ang mga kamay niya.

Sinimangutan ko naman siya at pagkuwan ay binalingan si Kuya Kiel na nasa Driver seat na. Sinamaan ko pa ng tingin si Chase na tawa ng tawa sa tabi ni Kuya Kiel.

"Kuya nagpaalam ka ba talaga kay Kuya Kane?" tiim bagang na tanong ko.

Ilang saglit niya akong tiningnan mula sa rearview mirror pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan.

Nang makalabas ng gate ay bumusina pa sina Kuya Kristoff at Kaleb at nauna na sa amin. Kinawayan lang naman sila ni Kuya Kiel at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Di ko pa rin inaalis ang tingin sa kanya dahil nagiintay ako sa sagot niya. Nang maramdaman niyang nakatingin pa rin ako ay inihinto niya saglit ang sasakyan. Natahimik naman ang dalawa pa naming kasama.

"Tinawagan ko talaga siya kanina." paguumpisa niya.

"And?" agaran tanong ko naman.

"Ayun nagkamustahan kami at nagkwentuhan, umabot pa nga ng isa----" pinutol ko na ang mga sasabihin pa niya sapagkat hindi ko makuha ang tamang sagot sa mga sinasabi niya.

"KUYA." may diin kong sabi.

Napatawa naman siya at pagkatapos ay tiningnan ako na tila ba naa-amused siya sa itsura ko.

"Tsk. Wag mo nga akong simangutan diyan. Oo na. Ipagpapaalam kita mamaya." sabay paandar niya na ulit ng sasakyan.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang binalingan ko pa si Chinee na nag-peace sign lang sa akin at pagkatapos ay niyakap ako. Nang balingan ko naman si Chase ay nginitian lang niya ako.

What the???

Nanlulumong napayuko naman ako.

Paano ako nito?

Nang mag-angat ng tingin ay kinulbit ko si Kuya Kiel. Tiningnan naman niya ako sa rearview mirror pagkatapos ay napahinto siya. Muntik pa akong sumubsob sa una kung di lang ako nakahawak sa upuan.

"What the Kuya. Are you going to kill us??" naiinis na sabi ni Chase.

"Jeez..kuya. Drive safely naman. Kasama pa naman natin si Ari." sabay batok dito ni Chinee.

Sabay-sabay pa silang napalingon sa akin. At ganun na lang ang pagsinghap nila ng makitang umiiyak ako.

Kahit nahihirapan magsalita ay sinubukan ko pa rin.

"D-di na l-lang ako s-sasama...b-bababa na lang ako."

@zaiper_paloma

SS#1: Embracing My Brothers LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon