SS#1: Embracing My Brother's Love

7 0 0
                                    

Kabanata 6

Tinitingnan ko ang mga picture na in-upload ni Ava sa Instagram account niya. Andon lahat ng picture namin sa unang araw namin sa Calumpang Island. Nakalagay pa sa caption niya ang "Best Place this Summer with the Best Squad Ever❤" #WithFam.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng mai-upload niya yun ngunit umabot na sa 15K Likes ang post niya. Paano ba naman ay naka-tagged kaming lahat na pinsan niya.

Crazy.

Nang tingnan ko naman ang comment section ay mas lalo akong natawa. Nangunguna kase sa pagcomment si Cheena at Euri na katabi lang naman ni Ava ng mag-upload siya!
Binasa ko ang mga comment nila.

@Cheenitax: Why so pretty Chinee.

Hahaha. BALIW! Sarili niya pinupuri niya.

Nagreply naman ang mga baliw ko pang pinsan sa comment niya.

@eurisea_andrea: Err couz! Conceited much!
@chineetax: Lampake!
@chsndrw: Hahaha.

Natatawa pa ako sa ibang reply sa comment ni Chinee. May ilan pa ngang lalaki na nagcomment pero nireplyan naman nina Kuya Kiel at Chase nang paninindak. Tsk. Mga lalaki talaga.

Napapailing na nag-scroll pa ako sa iilan pa naming picture. Maya-maya ay may nag pop-up na notification sa timeline bar ko.

Lily Ava tagged you in a photo.

Yan yung nakalagay sa notif ng buksan ko. Pagclick ko ng picture ay namula ako. This is the picture na pinakita niya sa akin kanina. The one with the dove reflection on the water. Nang tingnan ko kung ilan na ang likes ay napanganga ako. Seriously?

23,457 likes 1599 comments.

Tiningnan ko ang oras. Mag 3 minutes pa lang niya na-upload yun ah. That past??

Nang basahin ko naman ang Caption ay napangiti ako. "The majesty of nature❤ with - Ari
#Bliss

Di ko na binasa ang comment sapagkat nahiya ako bigla. Alam ko naman na sina Chinee ang kauna-unahang magco-comment dun.

Isasara ko na sana ang account ko ng biglang may notification na nag pop-up na naman sa notification bar ko. Nangi-open ko ito ay napakunot ang noo ko. Ito rin kase yung picture na nakatagged sa akin kanina. Akala ko ay nadoble lang. Pero pagtingin ko ay umabot na sa 155k likes ngunit naka-off na ang comment section. Mas nawindang pa ako ng makitang napalitan ang Caption.

Kane's Princess❤ with Ari and Kane.

Wth!

Agad kong nai-close ang instagram app ko habang napabuga pa ako ng hangin dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko ay sumali ako sa marathon dahil sa biglaang pagod na naramdaman ko.

What was that? Di makapaniwalang naipikit ko ang mga mata ko. Pagmulat ko ay nakita kong papunta sa kinauupuan kong hammock si Ava. Malayo pa lang ay nakita ko na ang busangot niyang mukha.
Inayos ko naman ang sarili ko at nagkunwaring hindi ko siya napansin.

Nang makalapit ay tila batang sumakay din siya sa hammock at tiningnan ako. Ngunit nagpatay malisya pa rin ako.

"Ba't ganyan itsura mo?" Baling ko sa kanya.

"Nakakainis si Kuya kane eh." Nakasimangot pa rin na sagot niya.

Now. It caught my attention.

"Bakit? Nakausap mo siya?" interesadong tanong ko.

"Nope. Nag DM lang siya sa akin." Sumandal pa siya sa akin habang kinakalikot ang phone niya.

"As in Direct Message?" pagko-confirm ko pa.

SS#1: Embracing My Brothers LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon