Kabanata 5
Hindi ko namalayan na naibaba ko na ang telepono at ang pagsulpot ni Lander sa tabi ko. Pagkatapos ko kaseng marinig ang boses ni Kuya Kane ay hindi ko na nagawa pang magsalita dahil sa natatakot ako na once na ibuka ko ang bibig ko ay kakawala ang mga impit na pagtangis at ang mga luha na di matigil sa pagpatak.
"Here.."abot niya sa akin ng panyo.
Nang lapitan niya ako kanina ay hinatak niya ako palayo sa mga pinsan ko. Narinig ko pa nga ang mga palatak nina Kuya Kiel pero sinabi lang ni Lander na sasamahan ako sa Cabin dahil may nakalimutan lang ako. Hindi ko na nagawang umalma pa sa paghatak niya sa akin sapagkat ayaw ko rin naman na makita ng mga pinsan ko na umiiyak ako. Anong sasabihin ko? Na umiiyak ako dahil sobrang miss ko na si kuya? Na umiiyak ako kase may ibang babae na sumagot sa tawag ko? O umiiyak ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
Napatigil ako sa pag-iyak ng makita ang panyo na inilahad ni Lander. Kahit na nagaalinlangan na tanggapin yun ay kinuha ko pa rin. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag mula sa pag-iyak kanina.
"Salamat..." tangi kong nasambit. Nasa tabi ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatanaw lang siya sa malawak na karagatan sa harapan namin. Napansin ko rin ang kanina pa niyang pagbuntong-hininga.
Tinuon ko na lang rin ang pansin sa malawak na karagatan at hinayaan ang mga agam-agam na tangayin ng malakas na hangin.
"Bakit ka umiyak." Basag ni Lander sa katahimikan.
Tiningnan ko siya ngunit nakatiim-bagang lamang siya habang nakatingin pa rin sa malawak na dagat. Hindi ko naman alam kung ano ang sasabibin ko. Sasabihin ko ba na nami-miss ko si Kuya o dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Ngunit si Lander ang nagtatanong at hindi ko alam kung bakit ay bigla kaming naging ganito. Kung bakit siya pa ang nakakita sa pagluha ko.
"Wala. Na-napuwing lang ako.."pag-iwas ko sa tanong niya. I hate lying but i don't know how to respond to him. Hindi ako sanay na ganito kami.
"Hmmm." Yun lang ang sinagot niya sa akin.
Napatingin naman ako sa kanya. Nagulat pa ako ng makitang nakatingin na rin siya sa akin na tila ba di naniniwala sa sinabi ko. Iniwas ko agad ang paningin ko sa mga mata niyang tila sinusuri ang buong pagkatao ko. Ngunit kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang mga titig niya.
Seriously? Bakit ganyan siya makatingin.
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang saglit pa ay nag ring ang telepono niya tanda na may tumatawag. Napatingin ulit ako sa gawi niya, nakatingin lang siya sa cellphone at hinahayaan itong mag-ring.
"Bakit hindi mo sagutin?" tanong ko pa. Kusa kaseng namatay kanina ang tawag pero maya-maya lang ay nagring ulit.
"It's Kane..."sabi niya habang nakatingin sa akin.
Ang kaninang kaba na naramdaman ko ay biglang bumalik. Naramdaman ko ulit ang pagbigat ng kung ano sa dibdib ko.
Nang i-angat niya ang cellphone upang sagutin ang tawag ay nagmadali akong tumalikod at walang lingon-likod na nagtungo sa kung nasaan ang iba ko pang pinsan.
Abo't-abot ang pagtahip ng kaba sa dibdib ko. At kahit hindi naman ako tumakbo ay ramdam ko ang pagod. Nang makarating sa kanila ay pawang mga nakatingin sila sa akin. Si ate mitch ang bumasag sa katahimikan.
"Did you cry Princess?" nang marinig ko yun ay pinigilan ko na tumulo ang mga luha na nagbabadya na namang pumatak.
"N-nope....ate, na-napuwing lang ako."sabay iwas ko ng tingin sa mga mapanuri nilang mata. Agad naman na umupo ako sa tabi ni Ava.
BINABASA MO ANG
SS#1: Embracing My Brothers Love
General FictionWarning: This story contains words, scenario and explicit contains that are strictly prohibited to children. If you are minors and don't want to be corrupted your innocence, PLEASE spare reading this story. Names, places, events that has similaritie...