Kabanata 2
"Sh*t! Kuya what did you do?" tanong ni chase.
Nakayuko lamang ako at patuloy na umiiyak.
"Shhh. Ari stop crying na please." nagmamakaawang sabi naman ni Chinee.
"Ari. I can call your Kuya Kane naman once we got there. And besides nabanggit niya na baka sumunod siya sa atin dun." Biglang sabi ni Kuya Kiel.
Ang kaninang walang humpay ko na pag-iyak ay tila na freeze ng marinig ko ang sinabi niya.
Napaangat pa ako ng ulo at tiningnan siya. Seryoso naman siyang nakatingin sa akin."Totoo?" kung kanina ay mababakas ang lungkot sa boses ko ay ngayon naman ay may galak na doon.
He smiled at me and nodded.
"Okay." Yun lang ang sinabi ko at umayos na ng pagkakaupo.
Nawiwirduhan naman na tiningnan ako ni Chase pero nginitian din naman ako. Samantalang si Chinee ay ngumiti sa akin pagkatapos niya akong tapikin sa balikat.
Nagpatuloy naman si Kuya Kiel sa pagmamaneho.
Buong byahe ay naukupa ang isip ko sa kaalaman na uuwi si Kuya Kane.
It's been a long time.
Natigil lamang ako sa pagmumuni-muni ng tumigil ang sasakyan namin sa gilid ng highway. Nang tingnan ko kung bakit ay nakita ko ang mga sasakyan ng pinsan ko na nakahimpil din sa gilid.
Bumaba na ang ilan sa kanila. Tinapik ko naman ang mukha ni Chinee na kasalukuyang natutulog. Pupungas-pungas pa siya ng magmulat ng mata at tumingin sa akin.
"Why..?" inaantok na tanong niya.
Tinuro ko naman ang unahan kung saan andon na ang mga pinsan ko. Nakababa na rin si Chase, gayundin si Kuya Kiel.
Pagbaba ko naman ay natigil sila sa kanilang pinag-uusapan.
Si Ate Mitch ay nakanga-ngang napatingin sa akin. Habang si Euri ay nagmamadaling lumapit.
"Ari!!! I thought you're not coming with us?" nagugulat ngunit halata mo sa boses niya ang labis na galak. Niyakap ko rin siya pabalik.
"I thought so." ganting sagot ko habang niyayakap siya.
Sa aming magpipinsan ay si Chinee , Ava at Euri ang pinaka-close ko. Halos magkakasing-edad lang din kase kame at pareho lang ang klase namin.
"Ari..i miss you." Yakap naman ni Ate Mitch sa akin. Niyakap ko din siya pabalik.
"I miss you too ate. You're beautiful as always." compliment ko pa sa kanya.
Bahagya naman namula ang kanyang mga pisngi at napahalakhak pa siya.
"Aww..coming from the gorgeous Ari , i might believe that." natatawa pa rin niyang sabi.
Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses ng pinsan ko na nag-iisang nambu-bully sa akin. Kung ang halos lahat ng pinsan ko mahal na mahal ako, ang isang to ay alaga ako sa pang-aasar niya. Ewan ko ba at ganyan siya sa akin. At hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng pinsan ko ay siya ang bestfriend ni kuya!
"Keena Ariza Lopez Garcia." banggit niya sa buong pangalan ko.
Sinimangutan ko naman siya. Sa lahat talaga ng pinsan ko ay siya ang may kakayahang bwisitin ako.
"Oh why are you frowning Princess." dagdag pang-aasar pa niya.
"Hey Lander stop that. Baka umiyak yan. Yari ka kay Kane." sambit ni Kuya Kiel.
BINABASA MO ANG
SS#1: Embracing My Brothers Love
Fiksi UmumWarning: This story contains words, scenario and explicit contains that are strictly prohibited to children. If you are minors and don't want to be corrupted your innocence, PLEASE spare reading this story. Names, places, events that has similaritie...