Kabanata 7
Nang dahil sa nangyari kahapon ay di ako nakatulog nang maayos. Kaya di ko namalayan ang oras. Kundi pa ako ginising ni Chinee ay di pa ako babangon.
"Ari...wake up."
"Hmm..."
"Wake up Ari. Pupunta tayo ngayon sa Calauan Cave and magsnorkeling rin tayo."
"Inaantok pa ako.."sagot ko sa kanya habang nakapikit pa.
Ang totoo tinatamad akong umalis ngayon. Ang bigat pa rin kase ng pakiramdam ko. And nabo-bother ako sa naging usapan namin ni Lander. Sumobra na yata ako sa kanya.
Alam ko naman na kahit mapang-asar siya ay hindi naman niya ako magagawang saktan. Gaya nang sinabi niya, he will protect me whatever the circumstances. Katulad din siya ng mga pinsan kong lalaki at ni Kuya. They've just want the best for me. Maybe its time to treat him like how i treat my other cousins.
"Oo na, babangon na nga oh." Sabay mulat ko ng mata.
Bigla naman akong napataklob ng kumot ng makita ko kung sino ang mga nasa kwarto.
"What the?? Anong ginagawa nyo dito?" Nanggigilalas na tanong ko.
Umugong ang tawanan nilang lahat kaya mas lalo akong nagtakip ng mukha.
"A-ano ba kaseng ginagawa niyo dito?" pag-uulit ko pa sa tanong ko.
"HAHAHAHA.."sabay-sabay na tawa nila.
Mga BALIW!
"Eh paano kanina ka pa ginigising pero hindi ka magising. Una si Ava, sunod si Euri tapos si Chinee. Kaya naisip namin na lahat na lang kame baka sakaling gumising ka na." natatawang paliwanag ni Ate Mitch.
Gosh! Mga pinsan ko ba talaga to. Oo magaganda't gwapo, pero may mga saltik din.
Binuksan ko ng kaunti ang kumot at sinilip sila. Kita ko ang mga ngisi nila sa akin. Maging si Lander ay nandoon, pero nanlaki ang mata ko ng makita kong nakatutok sa akin ang video cam ni Chase.
"Chaserr!! Tanggalin mo nga yang camera. Wag mo itutok sa akin." sigaw ko pa sa kanya.
"Hahaha...this is epic!" Tawa pa niya.
"Gosh! Babangon na nga pero pede bang lumabas muna kayo. Ang aga-aga na stressed ako sa inyo."
Arggg! Kung kanina ay wala akong energy at gusto ko lang matulog maghapon, ngayon naman ay gusto ko na lang makaalis dito.
"Okay, okay. Guys lets go outside. But please Princess make it past okay. Don't make us wait for an hour. And besides hindi ka pa nagbe-breakfast." That was kuya Kiel.
Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto at ng tumahimik na ay saka lamang ako sumilip ulit. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala ni isa sa kanila ang nagpaiwan.
Buti naman.
Nagmadali akong bumangon at kumuha ng susuotin. Pagkatapos ay nagtungo sa comfort room. Nakita ko pa ang reflection ko sa salamin. Magulo ang buhok ko at medyo naniningkit pa ang mata dahil sa bagong gising. Nagmadali na akong kumilos. Nang makitang okay na naman ang ayos ko ay lumabas na ako.
Pagbukas ko ng pinto ay napansin ko ang pigura ng nakatalikod na lalaki sa may hagdan ng cabin namin.
Ano pang ginagawa niya dito?
Naramdam niya siguro ang presensiya ko kaya bago pa man ako makalapit ay nalingunan na niya ako."Goodmorning." nakangiting bati niya sa akin.
What's with the smile?
"G-goodmorning." balik na pagbati ko naman.
BINABASA MO ANG
SS#1: Embracing My Brothers Love
Fiksi UmumWarning: This story contains words, scenario and explicit contains that are strictly prohibited to children. If you are minors and don't want to be corrupted your innocence, PLEASE spare reading this story. Names, places, events that has similaritie...