Chapter 9

140 8 2
                                    

Ellie's POV

I'm tired!

No. Scratch that.

I'm exhausted.

Super exhausted!!!

Three weeks with Jongin was really hell! Pero lahat ng iyon tiniis ko para sa...para kay Chanyeol. Sa CYP Ent.

Hindi ko rin alam kung paano ko natatagalan ang hudas na Jongin na iyon. Kung hindi ka sasagutin ng pabalang, hindi ka papansinin. Kung medyo tinotopak, ayun, mambi-bwisit. Tatawag sa hating gabi, manggigising tapos biglang puputulin yung call.

Imagine how I lived for three weeks? At mukhang ilang linggo at buwan pa talaga ang titiisin ko. Kung hindi lang dahil kay Chanyeol baka in less than 24 hours with Jongin nagbigti na ako.

"El, anong gusto mong panoorin natin?" tanong ni Glenjen habang nakatingin sa mga title ng mga showing na pelikula sa cinema.

"Hmmm. Ano ba sa tingin mo yung maganda? Comedy? Action?" alanganing sagot ko rin. Hindi kasi talaga ako mahilig sa mga ganito. Kaya nga halos wala akong kilalang celebrity di ba. Kahit pa nasa entertainment industry si Chanyeol, hindi ako masyadong exposed sa mga celebrity sa bansa man or international.

Oo, medyo marami-rami na rin akong nakakasalubong sa loob ng CYP Ent. pero karamihan mukha lang natatandaan ko. Hindi ko matandaan yung pangalan ng iba. Ganito talaga ako. Medyo walang pakealam sa mga ganyang bagay dahil mas pipiliin ko pang mag-sketch buong araw kesa manuod ng kung anu-ano. Thank God okay lang naman kay Chanyeol na ganyan ako.

"Ito kayang 47 Ronin? Maganda kaya 'to? Japan yung setting eh." sabi ko kay Glenjen.

"Sige, try natin 'yan. Nakita ko trailer nito minsan, mukhang maganda naman." pagsang-ayon naman niya.

Hindi naman kami nagkamali sa napili naming panoorin na pelikula. Maganda talaga siya. Nakaka-touch, nakakakaba, at medyo nakaka-inlove din. Pero ang mas nakaka-amaze eh may brilliant idea akong naisip.

Agad kong dinukot sa bag ko ang cellphone ko at tinawagan ito.

"What?" bungad agad nito pagsagot ng tawag.

A Perfect Dreams of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon