Chapter 18

83 6 0
                                    

Ellie's POV

"Yeol, you're here!" Kunwari nagulat at excited ang tono ng boses ko para mapagtakpan ang kaba ko. Nilapitan ko rin si Yeol para i-kiss sa cheek. Sa totoo, nagulat at kinakabahan talaga ako dahil inabutan pa ni Chanyeol na kasama ko si Kai unuwi. Ano na lang ang iisipin niya? Kahit naman mabait siya tao pa rin 'yan. Magseselos at masasaktan din.

"Yeah," he coldly answered. Nadagdagan ang kaba ko. Minsan lang maging cold si Yeol. And his piercing stare at Kai, jusko! Parang gusto ko na lang pauwiin si Jongin pero nahihiya naman ako.

Mabuti na lang, biglang sumulpot din si mommy mula sa kitchen na naka-apron din. Excited din ito sa pag-uwi ko pero bumakas din sa mukha niya ang pagkagulat nang makita si Kai. Obviously, Mom felt the tension building up so she tried to be as cheerful as possible.

"Oh anak, kasama mo pala ang alaga mo," ani Mommy. Nakangiti ito ng malapad pero mahahalata ko ang worry sa mga mata nito.

"O-opo Mom. Niyaya ko ng magdinner dito," mahinang sagot ko. "Kai, mommy ko."

Mula sa pakikipagsukatan ng tingin kay Chanyeol, bumaling si Kai kay mommy saka ngumiti. Nilapitan din nito si mommy saka ito nakipag-shake hands.

"Good evening, Ma'am. My pleasure to meet you," magalang na sabi ni Kai.

"Just call me 'Tita Celine' hijo. Ah, Yeol and I are not yet done cooking. Maupo ka muna, hijo." Bumaling naman si mommy sa akin. "Anak ikaw na muna ang bahala sa bisita natin. Tatapusin lang namin 'to ni Yeol."

"Ah Tita, may I help you?" Kai offered. Napabuga na lang ako ng malalim na hininga. Ano ba ang iniisip niya at makikipagsabayan pa ito kay Chanyeol? Obvious na ngang mainit ang ulo nung isa. Aish!

"Huwag na. Ah, Jongin ang pangalan mo, right?"

"Yes, Tita."

"Maupo ka na lang sa living room, Jongin. Kami na ni Yeol dito. Bisita ka," nakangiting sabi naman ni mommy. Mabuting na lang magaling si mommy umarte.

"No, it's okay Tita," pagpupumulit pa rin ni Kai. It's my time to intervene bago pa si Yeol makahirit.

"Kai dun ka na nga sa living room. Go na. Go." Ako na rin mismo ang marahang nagtulak sa kanya hanggang living room leaving Chanyeol behind.

A Perfect Dreams of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon