Chapter 27

96 7 7
                                    

 -----------x

Waiting hurts. Forgetting hurts. But not knowing which decision to take can sometimes be the most painful.

This chapter is dedicated to @YssaLyssaAtchi! Thanks for the support saeng. Ito na ha? Hahaha :)

Ellie's POV

"Why don't you just go with us?" reklamo ni Kai habang tinutulungan ko siyang mag-empake ng mga gamit niya. Dumating noong isang araw si Jongdae kasama ang daddy nila para sunduin si Kai pabalik ng Korea.

Huminto ako sa pagtutupi ng t-shirt niya saka humugot ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na baka ito na ang huli naming pagkikita. Masakit sa loob ko na i-let go siya pero kailangan.

"S-susunod ako," nasabi ko na lang. Ayoko naman sanang paasahin siya pero ito lang ang naisip kong sabihin para pumayag siyang bumalik ng Korea. Nahirapan din kaming kumbinsihin siyang sumama sa Korea. Umoo lang siya noong sinabi kong sasama ako doon.

"Then why don't we leave on the same day?" tanong niya. Halata sa boses niyang naiinis siya.

"Kai, makinig ka. Hindi ako basta-bastang makakaalis dito. May kailangan pa akong asikasuhin sa office bago ako umalis. Give me a week or two tapos..." I paused a bit then continued. "Susunod ako."

"You promise that?" paninigurado pa niya. Napabuga naman ako ng malalim na hininga saka pinilit ibahin ang usapan. Ayoko ng mangako ng hindi ko rin naman tutuparin.

"Where's your dad and Jongdae?" tanong ko.

"They have to meet Kris-hyung for the certification and medicine prescriptions," sagot niya saka humiga sa kama niya.

Saglit akong huminto sa ginagawa ko para pagmasdan siya. Hindi ko alam pero baka ito na rin ang huling beses na mapapagmasdan ko ang mukha niya.

I would miss this man so much. I would miss his fierce eyes, his perfectly carved nose, his beautiful pair of lips; his smile showing his nice set of teeth, his frown, the creasing of his forehead, and even his childish pout. I would miss the way he kissed me; the way he hugged me so tight.

"Hmmm?" he asked raising his eyebrows nang mapansin niyang pinagmamasdan ko siya.

I smiled then shook my head. "Nothing. I... I'll just miss you."

"See? You're gonna miss me so you better go with me."

"Kai, paulit-ulit naman tayo sa ganyang usapan eh. Mauuna kang bumalik ng Korea. 'Wag ka ng makulit or else hindi na ako susunod."

He glared at me. "Tss!"

He turned to face me. Humiga siya ng patagilid para makaharap siya sa 'kin. Saka niya ako tinitigan ng nakangiti.

A Perfect Dreams of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon