Chapter 21

89 7 0
                                    

Dedicated to @wingedcloud. Thank you for the pretty & simple cover of this story. I love it. Type ko kasi yung simple. Salamat talaga sa'yo unnie~ Hihi

New Cover at the multimedia section *u*

-----------x

It hurts when you have someone in your heart but can’t have in your arms.

Ellie's POV

PARANG lumulutang na lang ako pag-alis ko sa condo ni Kai. Naglalakad ako sa daan ng hindi ko alam kung saan ako pupunta. Idagdag pa na wala akong dalang kotse dahil sumabay lang ako kay Kai nung pumunta ako doon. Hindi rin ako gaanong sanay na nagko-commute.

"Hi Miss!" narinig kong sabi nung isang grupo ng mga kabataang tambay na nadaanan ko. Hindi ko sila pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang wala sa sarili habang umiiyak.

May narinig pa akong sumipol. Kung hindi lang ako nasa highest level of sadness and pain ngayon, baka nasapak ko na 'tong mga lokong 'to.

"Suplada!" sigaw ng isa. Hindi ko pa rin sila nilingon.

Mabuti na lang talaga at hanggang doon lang sila. Salamat na lang at hindi na nila ako nilapitan pa at ginawan ng masama.

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa napagod na ako. Nahinto lang ako nang biglang kumulog ng malakas. Tumingala ako sa langit. Nagbabadyang umulan ang mga ulap. Hindi nagtagal unti-unti na ngang pumatak ang ulan. Haaay! When it rains, it pours nga naman. Umulan na nga ng problema, literal na umulan pa talaga.

Dahil sa sobrang frustration, hindi ko na rin napigilang mapaluha. I was soaked in rain as my tears streamed down my face. Gusto ko ng sumigaw pero wala akong mailabas na salita. Puro paghikbi lang ang lumalabas sa lalamunan ko.

"Ma'am, sumakay na ho kayo," narinig kong sabi ng kung sino. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang isang taxi na nakahinto sa harap ko. Nakababa ang isang bintana nito ay nakasilip ang driver.

"Ma'am malakas na po ang ulan. Basa na kayo," sigaw nung mamang driver ng taxi.

Parang wala sa sariling sumakay rin ako. Basang basa ang damit ko pero hindi nagreklamo ang may edad na driver.

"Wala po kayong payong Ma'am?" tanong nito.

"W-wala po," sagot ko. Nanginginig pa ang boses ko dahil doon ko lang naramdaman ang sobrang lamig.

"Io-off ko na lang yung aircon Ma'am," sabi ng mama. "Mabuti na lang po pala at nadaan ko kayo. Saan po kayo Ma'am?"

 

"Sa Green Towers po."

Hindi na rin sumagot ang mama at nagpatuloy na ito sa pagdrive. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagbi-byahe. Hindi ko mawala sa isip ko ang sinabi ni Kai.

A Perfect Dreams of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon