Chapter 4 -The PAST.

94 7 2
                                    

Chapter 4 –The PAST.

 

 

 

Xiumin’s POV

“Kwentuhan mo ako tungkol sa kanya. Please?” –sabi ni Cashmir, huminga ako ng malamim bago humarap sa kanya, akala ko tahimik siya? Bakit ang daldal niya ngayon, ako pa ang pinag-explain niya. Tumingin-tingin ako sa paligid, nung nakita ko namang busy ang lahat sa pakikipag-kwentuhan, hinila ko si Cashmir papunta sa ribbon lake.

Nang makarating kami sa ribbon lake, umupo ako sa may malaking bato na laging pwesto ko.

“Cashmir, ipangako mo sa aking hindi mo ‘to pagsasabi kahit kanino, higit sa aming labing-dalawa, ikaw lang ang makakaalam neto.” –tumango naman siya, hindi ko alam kung paano simulan. Tumingin ako sa kanya na nakatingin sa akin at handa ng makinig, tumingin naman ako sa ribbon lake.

“Angel is Kris’ first love.” –simula ko, nanlaki ang mata niya pero hindi siya nagsalita.

“Mabait si Angel, simula bata kami magkakasama na kami. Hindi naman ganyan si Kris dati, sobrang caring niya, sobrang bait at palaging nakangiti. Hindi siya yung ‘cold guy’ na kilala mo ngayon. Tumitiklop lang si Kris kapag si Angel na ang kasama niya, pero dahil sa isang pangyayari, nagbago ang lahat.” –sabi ko sa kanya at inumpisahang balikan ang dapat ay matagal nang nakabaon sa lupa.

-FLASHBACK-

 

 

 

“Tara, Angel! Laro na tayo. Ang tagal mo naman kasi bumaba. Kanina pa kaming dose dito.” sigaw ni Kris sa papuntang garden na si Angel, andito kami sa bahay nila. Dito kami madalas maglaro, malawak kasi ang garden kaya dito kami lagi.

 

 

 

“Laro na naman Kris! Grabe, ang aga-aga pa oh! 8 am pa lang. Ang aga mong magising ha!” sabi naman ni Angel ng nakangiti kay Kris, silang dalawa lang naman ang palaging nagu-usap. Alam naman naming may gusto si Kris kay Angel kaya sinasamahan na lang namin ito pag nagpupunta dito at hindi namin sila pinapakielamanan pag andito kami. Pumapapak lang kami ng cookies, masarap kasi mag bake ng cookies ang mommy ni Angel.

 

 

 

“Kayong mga bata talaga kayo! Ang aga-aga niyong magpunta dito, araw-araw pa. Hindi ba kayo hinahanap ng mga magulang ninyo? Mga sampung taon pa lang kayo at lagi na kayong natambay.” sabi ni Lola Belen. Ang katulong nila Angel. Tumawa lang kami. Nakita naman naming nagsu-swimming sila Kris, hindi na kami nag-atubili at naghubad na nang damit at sumama sa kanila sa pagsu-swimming.

-I'm with the 12 Idiots-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon