Chapter 2 -The 12 Noisy Strangers.

105 9 2
                                    

Chapter 2 –The 12 Noisy Strangers.

 

 

 

8:30 ako pumasok kahit 10 pa ang pasok ko. Gusto ko kasing libutin itong school namin. Gusto ko din kasing makita yung ribbon shaped lake sa pinaka-dulo ng school. At nung nakapunta na ako sa pinaka-dulo, may gubat ka pang papasukan. Ang alam ko nasa gitna yun ng school namin. Kaya nagpunta ako sa pinaka-gitna. Pero hindi pa ako nakakarating sa pinaka-gitna nang may narinig akong ingay na nagpapula na naman ng mukha ko.

“Dude, ang ganda niya. Promise.” –sabi nung isang pamilyar na boses.

“Oo nga. Tapos ang bilis niyang mamula.” –sabi pa ng isang boses na pamilyar din.

“Sino ba kasi yang babaeng yan?” –hindi ko pa naririnig ang boses na ito.

“Basta dude. Ang alam ko kaklase din natin siya. Matalino din siguro.” –sabi ulit nung pamilyar na boses. Out of my curiosity, sumilip ako sa likod ng puno. Then, nakita ko ang dalawang lalaking may pamilyar na boses. Si Kai at Chen, hindi naman ako sobrang makakalimutin to forget their names already.

Lumingon ang isa nilang kasama. Malaki ang tenga niya, lahat naman sila pogi e. Napaatras ako, at nakatapak ako ng branch ng puno kaya napukaw ko ang attention nilang lahat.

“Hi Cashmir! Pinagu-usapan ka lang namin ngayon, ha.” –sigaw ni Chen, nagtakip naman ako ng tenga, narinig kong nagtawanan sila.

“Ang bilis nga niyang mamula.” –sabi nung lalaking malaki ang mata tapos maliit. Tapos nagtawanan ulit sila.

“Will you please shut up?” –sabi ko sa kanila. Ang iingay nila. Tch, 12 noisy strangers. 10 nalang to be exact dahil kilala ko na naman ang dalawa.

“Okay, okay.” –sabi ni Chen na nakataas ang dalawang kamay na parang nagsu-surrender.

“Tara, upo ka dito.” –sabi nung lalaking maputi, maliit at maliit din ang mata na may hawak na siopao. Tinuturo niya ang bakanteng upuan sa tabi niya, tumingin muna ako kela Chen at tumango naman sila kaya umupo na ako.

“Hey, stranger. Why are you holding that instead of eating?” –sabi ko sa lalaking nagpaupo sakin dito at tumuturo sa siopao niya.

-I'm with the 12 Idiots-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon