Chapter 6 -Surpise BWISITors.

62 6 1
                                    

Chapter 6 –Surpise BWISITors.

 

 

It’s Friday, and it’s 9:30. Tinatamad akong pumasok. I didn’t know na nakakatamad palang pumasok minsan. Homeschool eh, how should I know? I feel stress these past few days. Overthinking pa din sa nangyari kay Angel at Kris sa past nila. How come na nakakapagsaya si Angel kung ganoon ang past niya? Hindi ba siya natatakot na baka maulit ulit? And her smile, it seems like she has nothing bad happen on her past. I don’t know. There are still so many questions in my mind, but I should keep them. Alangan namang itanong ko pa? Hindi naman ako chismosa.

Sa sobrang pag-iisip ko tungkol dun, nas-stress ako. Pupunta na lang ako sa studio ko mamayang hapon. My very own studio, regalo sa akin ng parents ko nung 16th birthday ko. Since, mahilig naman daw akong kumanta, ayun ang niregalo nila sa akin.

Sa ngayon, gusto ko munang magpahangin.. Andito ako sa may veranda ng kwarto ko nang mapansin kong may mga kotseng dumadating. It’s not familiar, kaya nagtaka ako. Visitors? Dalawang van at isang BMW na red ang dumating. I wonder kung kanino yun.

Bumaba ako para tignan kung sino ang mga walang hiyang nagpark sa tapat ng mansion naming mga Alexander. Duh, Alexander!! Sinong maglalakas loob mag-park sa harap ng mansion namin kung pagsilip mo pa lang sa garage may sasalubong sa’yong 5 Porsche, 3 BMW at isang limousine? Tch. Ganun kayaman ang family ko.

“Lola Melda, alam mo kung kaninong car ang nagpark sa labas?” –I asked Lola, out of my curiosity though.

“Ha? Baka may bisita tayo. Teka, maghahanda na ako ng pagkain. Ikaw, buksan mo na lang ng pinto kung sino sila.” –sabi nito sa akin. Bisita? It’s just 10 am in the morning. Dahil tamad ako at hindi pa ako nakakapag-ayos. Nakatambay lang kasi ako sa veranda kanina pa pagkagising ko. Kaya hanggang ngayon naka short shorts pa din ako at sando na kulay white. Dahil ayoko namang humarap sa mga bisita nang ganito, maga-ayos muna ako at iuutos ko na lang na pagbuksan sila ng pinto.

“Karen! Janet! Kindly open the door.” –I shouted, though it’s not like a shout. Parang bulong na nilakasan lang ng konti -_- Bakit ba ang hina ng boses ko? I really don’t know the answer to that question.

Pagkasigaw ko nun, umakyat kagad ako sa kwarto ko. Take a bath, get dressed, brush my teeth, comb my hair and go downstairs. Pagkababa ko, nagsigawan ang mga tao sa sala ng ‘Wow! Nag-ayos pa talaga siya oh.’ pagkatingin ko sa sala, nakita ko ang 12 noisy strangers, so as Angel.

“Miss Anjel, kayo po ang hinahanap nila.” –sabi ni Karen at Janet. Tuluyan na akong bumaba sa hagdan at lumapit sa kanila.

-I'm with the 12 Idiots-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon