Chapter 5 -Confused.

95 7 3
                                    

Chapter 5 –Confused.

Anjel’s POV

 

 

 

Hindi ko alam, pero pagkatapos nang nalaman ko kay Xiumin hindi ko na masungitan si Angel dahil sa kadaldalan niya. Parang okay pa nga sa akin na dumadaldal siya, kahit sobrang pula ko na.

Hindi ko lang kasi talaga maisip na makaksalamuha ako ng mga taong katulad niya. Hindi ako sanay makisalamuha, ito ang unang beses kong makisalamuha sa iba, mas sanay kasi akong kausap si Mommy, Daddy, Kuya at ang best friend ko na nasa Paris din ngayon.

Hindi ko akalain na makakakilala ako ng babaeng masiyahin, pero masaklap pala ang naging past niya. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng lalaking sisisihin ang sarili niya dahil sa nangyaring aksidente sa taong mahal niya.

Ang akala ko, ganun na talaga si Kris, simula umpisa. Pero hindi pala. I’m so confused. Bakit sa dinami-dami nang makakasalamuha ko, sila pa? Hindi ko alam.

Nung kinuwento sa akin ni Xiumin yun, hindi ko alam kung pano o ano ang ire-react o sasabihin ko. I’m so speechless. Kaya naluha nalang ako.

-FLASHBACK-

“Wag ka nang umiyak diyan.” –Sabi niya sa akin. Pero patuloy pa din ako sa pag-iyak. Why am I like this? This is my first time to cry over the things like that. I’m so not this.

 

 

 

Pinunasan ko na ulit ang luha ko. Magang-maga na ang mga mata ko. Nag-decide akong maghilamos sa lake, pwede naman siguro. Nakaka-refresh ang water dito. Parang gusto ko na din ditong maligo.

 

 

 

“Tara na, baka hinahanap na nila tayo.” –Sabi niya habang hinihila ang kanang kamay kong basa pa din. Hindi ko pa kasi napupunasan.

 

“Sana, like Kris you have your reason kung bakit ka tahimik, hindi lang dahil sa wala ka gaanong makausap o nasanay kang tahimik.” –sabi niya nang hindi lumilingon sa akin at patuloy pa din sa paglalakad. Napaisip ako sa sinabi niya, ang totoo niyan.

 

 

 

Hindi ko talaga alam, dahil marami ding memories nung bata ako ang hindi ko matandaan.

-I'm with the 12 Idiots-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon