Chapter Six

76 6 2
                                    

Naubos ni Peppermint ang paglalabas ng mga damit sa loob ng kanyang closet at suitcases. Nagkalat ang mga iyon sa sahig at sa kung saang sulok ng kwarto niya. Maaga siyang nagising kanina. Alas singko pa lamang ng umaga ay dilat na dilat na ang kanyang mga mata. Maaga siyang naligo, naglagay ng lotion sa balat at ngayon ay kinalampag ang lahat ng nakatupi't hanger na damit sa closet.

Napasimangot siya ng makitang wala siyang nagustuhan sa mga iyon. Matamlay niyang tinungo ang isa pang suitcase na nakasandal malapit sa pintuan. Pagbukas niya ay ang kulay pulang damit na may spaghetti strap at hanggang tuhod ang haba ang nakita niya. Maganda iyon, she impressively claimed that. Pero hindi naman iyon ang problema. Bigay kasi ni Kael ang damit na iyon sa kanya noong unang anniversary nila. Matapos maglaho si Kael ay hindi na niya iyon isinuot. Itinabi na lamang niya  iyon.

Hinawi ni Peppermint ang kabuuan nito. Napagtanto niyang mas mainam na ito ang kanyang isuot. Pero pinatid ng konsensya ang kanyang sarili sa naisip. Hindi niya puwedeng isuot iyon lalo na't hindi si Kael ang kasama. Pangalawa, ay bigay iyon ni Kael sa kanya kaya hindi magandang tingnan kung iyon ang ipampoporma niya pagkaharap si Brenan. Kumbaga exclusive lamang ang damit na iyon para kay Kael. Nagdesisyon siyang ibalik na lamang iyon sa loob ng suitcase.

Nagpasya na lamang si Peppermint na ang long sleeve at suit na lamang ang isuot.  Tinernuhan iyon ng kanyang pang-opisinang slacks, kapagkuwa'y binungkos niya ang kanyang buhok,  nag-apply rin siya ng body mist sa katawan at kaunting pahid ng pulbo sa magkabilang pisngi.   Namangha pa nga siya sa ginawang niya.  Ang pag-aayos sa sarili ay ginagawa lamang niya kapag may importanteng okasyon o kapag ang kasama ay si Kael.  Kaya tila nagulat siya sa naging kilos pagdating kay Brenan, nag-ayos siya para sa lalaki na hindi pa nga niya nakikilalang lubos.  Kung iisipin ilang araw pa lamang silang magkakilala.

Itinigil niya ang paglalagay ng lipstik sa labi. Pinahiran niya iyon ng tissue.  Kuwa'y ang lip balm ang kanyang ipinalit doon.

Pagkatapos makompletong ayusan ang sarili ay binitbit na niya ang attache case na pinuno niya ng mga papeles at ilan pang mga pipirmahan.  Nang makababa siya ay abalang nadatnan niya ang katulong na si Tata Cecil na naghahanda ng umagahan.  Si Tata Parita naman ay nagsalin ng juice sa isang basong nakapatong sa parihabang mesa.  Kuwa'y may apat na bangko iyon sa magkabilang side at ang gitna ay ang lugar kung saan siya umuupo.  Sadyang ginawa niyang  lima ang upuang yaon mula sa isang sikat na furniture designer. Ang isa ay para sa kanya, ang dalawa naman ay sa kanyang Mom at Dad,  at ang isa ay para kay Kael. Ang isa pang nababakante ay kapag biglaang dumalaw ang madaldal niyang amigang si Orange.

"Maam Peppy, kain na po kayo ng breakfast niyo. Ang niluto ko po ngayon ay ang paborito niyong fried fish with my special sauce." Napangiti siya sa sinabi ng katulong. Alam kasi nito ang kanyang kiliti. Most importantly, minahal niya ang dalawa dahil may angkin din itong kabibahan sa iba't-ibang bagay.

"I'm sorry Tata Cecil, Tata Parita pero sa labas na lamang po ako kakain." Ngiting bati-sagot niya rito at tinungo ang lalagyan ng susi.

"Wait hija." Pigil nito sa kanya bago pa siya makalabas ng tarangkahan. Napalingon siya rito. "Bring this lunch box. Inilagay ko na lahat ng niluto kong putahe sayo. Kainin mo yan sa opisina." Ipinahawak nito sa kanya ang tatlong malaking sisidlang nakabalot sa pulang tela.

"Thank you po Manang." Ngumiti siya rito ulit at tuluyan ng tinungo ang kotse.

Pagkapark na pagkapark ay ang coffee shop agad ang una niyang sinilip. Wala pa sa napagkasunduan nilang spot si Brenan kaya bumalik siya sa Fragrant Hub upang ibigay sa sekretarya ang laman ng attache case. Ipapa-redo niya rito ang ilang mga mispelled words ng ilang current enterprise proposals na isu-submit bukas.

Tinimplahan siya ng sekretarya ng mainit na 3 in 1 ngunit tinanggihan niya iyon at ang alalay ang pina-inom. Kuway ibinaling niya ang atensyon sa suot na relo. Tila masyado ata siyang naging maaga sa pagpasok sa opisina. Dinaig pa niya ang mga katiwala sa Fragrant Hub sa pagpasok.

Peppermint: Now And Forever( Published Under Blue Sky Press Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon