Chapter Ten

162 6 0
                                    

Nang tumawag si Peppermint sa kanya ay tila lumukso sa labis na tuwa ang kanyang puso. Hindi na niya tinapos pa ang ginagawang meeting kasama ang mga bagong investors. Padalag niyang tinungo ang sasakyan sa garahe. Kailangan niyang puntahan si Peppermint. That Vincent is such a jerk. Tinanggihan nga niya ang nakaka-tempt na pag-amin ng dalaga sa tunay nitong nararamdaman pero itinuloy pa rin ni Vincent ang masamang balak rito. Ngayon ay makakatikim ang lalaki sa kanya. Hindi niya hahayaang saktan nito si Peppermint, ang babaeng minahal niya noon pa man. Kung noon ay nagawa nitong itaboy siya, ngayon ay hindi na niya hahayaan pang iwan si Peppermint sa ere. She will do everything to protect the woman, and if that do's to kill Vincent. He would do that.

Halos ipalipad niya sa kalsada ang minamanehong Bettle Volkswagen. Kaagad niyang idinial ang numero ng lahat ng presinto sa Rizal. Kailangan niya ang tulong ng nga ito. Nang maibigay ang kompletong detalye ay kanya-kanya ng kumilos ang pulisya upang hanapin ang kinaroroonan ni Peppermint. Sa kabutihang palad ay walang kinse minutos ay na-track nito ang pinagmumulan ng tawag. Inalerto agad niya ang mga pulis upang bantayang maigi ng kinaroroonan ni Vincent. Kinailangan niyang masigurong nasa maayos na kalagayan si Peppermint habang wala pa siya roon.

Dala ng labis na pag-aalala at galit ay narating agad niya ang Rizal walang isang oras ang nakakalipas. Naroong nakapalibot ang mga pulis ng madatnan niya sa lugar. Nakatutok ang mga baril ng bawat isa sa target na nasa loob ng isang lumang gusali. Kuwa'y handa ang mga iyon sa maaaring mangyari. Kaya niya tinawagan ang mga pulis ay upang masintensyahan ng maayos si Vincent. Wala sa hinagap niya ang patayin ang lalaki. Ang makulong ito at unting-unting pagdusahan ang ginawa nito sa kanyang paghiwalay kay Peppermint ay sapat na.

Lumapit siya sa lider ng mga pulis. Isang Mr. Jackson Galleon ang nagpakilala sa kanya. Ito ang hepe at ang nakasagot sa tawag niya kanina.

"Ano nang nangyayari sa loob?"

"Mukhang negative sir. Wala pa po kaming nararamdamang kahit na anong tao sa loob. Mukhang mali po ata ang source natin." anito.

"Vincent is a very wise man hepe. Madaling nakakalusot ang lalaking yun. Kaya stay alert dahil papasok ako sa loob."

"Pero sir, hdelikado ang gagawin ninyo. Hindi natin alam kung anong mga patibong ang naghihintay sa inyo sa loob."

"Taong mahal ko hepe ang nasa loob! Kaya hindi ako uupo at manunuod na lamang na nakikita siyang nasa panganib. Kailangan kong pumasok!"

"Sir this is a very dangerous situation. Kaya mas mainam na maghintay na lang po kayo at kami na ang bahala."

"Mr. Galleon, i'd rather die than see her suffer." Nagtatagis ang bagang niya ng sabihin iyon.

"Kung iyon po ang desisyon niyo ay wala po kaming magagawa than to help you."

"Thank you hepe." Tinapik nito ang kanyang balikat. Kuwa'y isa-isa nitong inutusan ang mga kasamahang pulis. Iminuwestra nito ang kamay sa kaliwa at kanan hudyat na palibutan ang kabuuang perimeter ng gusali.

"Now move!" Tahimik na pumusisyon ang lahat. "Kayong tatlo, cover Mr. Fabregas!" Pagkabigkas no'n ay kaagad ng nagmadali si Brenan sa pagpasok sa loob. Alam niyang nandoon sa loob si Vincent malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Alam niyang tuso ang lalaki, gagawin nito ang lahat makuha lamang ang gusto.

Hindi kababakasan na may tao sa loob ng lumang gusaling iyon. Si Brenan na di-mapigilan ang sarili na makaramdam ng kaba ya nagmadaling nagtungo sa ikatlong palapag. Iyon na ang huling palapag ng gusaling iyon. Sigurado siyang doon ikinulong ni Vincent si Peppermint.

Nang makarating siya roon ay tinalasan niya ang mata, naging maingat siya sa bawat galaw. Vincent is a total psychopath, magaling ang lalaki sa pagtatago. Nakita niyang bukas ang isang pintuan. Pagdaong niya roon ay nakita niya sa gitna ng espasyo si Peppermint, nakabusal ang bibig nito, at hapit na hapit ang pagkakagapos ng paa at kamay.

Peppermint: Now And Forever( Published Under Blue Sky Press Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon