Chapter Three

92 5 0
                                    

Napa-igtad si Peppermint ng malakas siyang hampasin ni Orange sa balikat ng bitbit nitong signature bag. Napangiwi siya sa sakit at itinaas ang tingin rito.

"Oh wag mong sabihing magagalit ka?" pinangunahan siya ng kaibigan.

"Bakit mo naman kasi ako hinampas ng ga-milyones mong bag." kulubot ang noong saad niya saka inayos ang ilang rolyo ng Fragrances na nakasilid sa isang maliit na karton. Kulang na lang iyon sa packaging re-prints kaya siya na mismo ang nag-check kung okay na ang bilang.

"Malamang hahampasin talaga kita dahil mukhang wala ka sa sarili. Alam mo bang kanina pa ako rito, hindi mo ako napansin. Parang na bankrupt ang mukha mo." paliwanag nito sa kanya. Siyempre malalim ang iniisip niya kaya hindi niya ito napansin. Hindi nga niya narinig ang pagpasok nito sa cubicle niya. "Ano ba kasi yang iniisip mo ha." umupo ito sa harapan ng table niya.

"Si Kael." wala sa sariling sagot niya.

"Si Kael? Siya na naman? Wala ka ba talagang ibang maisip kundi si Kael. Alam mo bang mukha ka nang praning sa ginagawa mo. Wala ka ng ibang bukambibig kundi ang Kael na yun. Matagal ng wala si Kael, Peppy. Kaya please naman oh, magmove-on ka na girl." binalangkas niya ang mga tingin nito sa kanya saka ngumiti. "Oh ano namang nakakatawa ngayon sa sinabi ko."

"You're wrong Orange. Hindi pa patay si Kael, kaya hindi ako magmo-move on." puno ng pag-asang sagot niya. Saka mabilis na isinilid ang ilang stickers sa loob ng drawer.

"See, ito yung sinasabi kong papunta ka na sa pagiging praning eh. Ano bang pinagsasabi mo na hindi patay si Kael ha?" taas-kilay na tanong nito sa kanya.

"Earlier this morning habang naghahanap ako ng wedding gowns sa isang cutour shop ay nakita ko si Kael."

"What!" umaalingawngaw ang boses ng kaibigan niya sa loob. Napatakip ito ng sariling bibig at namilog ang mga mata. "Nakita mo si Kael. But how?"

"Gaya nga ng sabi ko nakita ko siya sa cutour shop. Nilapitan ko siya but he was claiming na hindi siya si Kael." marubdob na paglalarawan niya. "Alam mo bang kamukhang-kamukha talaga niya si Kael on all the physical aspects. Malakas ang kutob ko na siya si Kael at hindi Brenan ang pangalan niya."

"Baka naman kasi kamukha lang. Alam mo namang marami ng mga lalaki ngayon ang nagpapa-surgery. Isa pa sikat ang boyfriend mo kaya malamang ginaya ang mukha niya."

"But still, hindi ako naniniwala kahit pa sa mga ID cards na ipinakita niya sakin. Parang si Kael talaga ang naka-usap ko kanina." nahihiwagaang pagtaas ng bibig niya.

"Alam mo Peppermint. Masyado ka kasing na-attach kay Kael kaya kung sino-sino na lang ang nakikita mong kamukha niya. Lahat nga siguro ng lalaki ay paningin mo kamukha ni Kael. Remember." Sita ng kaibigan niya sa kanya. The last time may nakita siyang kamukha ni Kael ay sa isang beach party sa Boracay. Gumawa pa siya ng eskandalo trying to insist na si Kael ang nakita niya. Mabuti na lamang ay nandoon ang kaibigan niya para awatin siya sa pagwawala. Hindi pa doon nagtatapos ang kabaliwan niya, as she've described it. Nag-hire pa siya ng private investigator para ipahanap ito ng patago. Only to know na hindi nga ito ang hinahanap niya. Nabisto pa siya sa ginawa at kamuntikan ng magpasko sa kulungan. Isa raw siyang stalker. Halos i-guillotine siya ni Orange ng malaman iyon.

"Basta Orange. This time natitiyak kong si Kael na talaga yun." ismid niya at hinugot mula sa standing stall ang nakasabit na handbag.

"Wala na akong sasabihin pa. Anyway tayo na, baka ma-late pa ako sa appointment ko sa jeweler, excited akong makita ang desinyo ng singsing." sabay silang tumayo at tinungo ang tarangkahan.

"Hindi ka man lang ba sinamahan ng wannabe-fiance mo, my goodness napaka-ungentleman niya. Dapat kayong dalawa ang namimili ngayon ng singsing." sabad niya rito habang naglalakad padako sa parking lot.

Peppermint: Now And Forever( Published Under Blue Sky Press Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon