Chapter Nine

90 5 0
                                    

Unti-unting nagmulat ng mata si Peppermint. Napansin niyang nasa loob siya ng isang lumang gusali. Nang ipiglas niya ang sarili ay nadama niyang nakagapos ang kanyang mga kamay at paa. Hindi niya mawari kung sino ang gumawa niyon sa kanya. Wala siyang maalalang naging ka-atraso o dikaya'y kasamaan ng loob. Ang huling naaalala niya matapos siyang gapangin ng kadiliman kanina ay ang mukha ng isang lalaking pamilyar sa kanya. 

Umingos si Peppermint. Humagibis sa kanyang mga mata ang luha na puno ng takot. Nanginginig ang kanyang dalawang kamay habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Bawat pagpatak ng oras ay tila isang bangungot sa kanya. Napansin niyang madilim na sa labas. Nakita niya iyon mula sa siwang ng kinakalawang ng bubong. Sa tantiya niya ay nasa pasado alas siete na ng gabi. Kuwa'y gutom na siya at humihilab ang kanyang sikmura. Kasunod niyon ay tumunog na nga. Pinilit niya iyong pigilan. Kung sino man ang kumidnap sa kanya ay isa iyong malaking pagkakamali. Kahit pa siguro ikamatay niya ay hindi niya ibibigay ang hinihingi nito. Kung pera man iyon o kung ano pang bagay na pinaghirapan niya ay hindi niya iyon kusang ibibigay. Sabihin man ng iba na mas importante sa kanya ang materyal na bagay wala siyang pakialam. May sentimental value kasi sa kanya ang perang tinamasa niya ngayon. Bawat isang kusing niyon ay bigay ng Mommy at Daddy niya kaya hindi niya iyon basta-basta na lang winawaldas.

Lumipas ang ilang minuto ay mas lalo siyang nakaramdam ng takot. May naramdaman siyang mga yabag mula sa likod. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan. Ipinikit niya ang mga mata, nagkunwari siyang hindi pa gising. Sa ganoong paraan ay hindi siya masasaktan ng lalaki. Lumapit iyon sa kinaroroonan niya. Nahinuha  niyang may inilapag itong supot sa kanyang harapan. Malakas na tinapik nito ang kanyang magkabilang pisngi. Pero ipinikit niya pa rin ang mata, natatakot siya sa maaaring makita.

"Huwag ka ng magkunwaring tulog pa. Alam kong kanina ka pa gising." tinampal uli nito ang pisngi niya. Nabuhay ang tainga ni Peppermint ng marinig ang boses ng lalaki. Pamilyar sa kanya iyon. Dagli niyang ibinuka ang mga mata at tumambad sa kanya ang mala-demonyong mukha ni Vincent.

"Ikaw?" namailog ang matang anas niya.

"Yes darling ako nga. Did I surprise you." nakangising sabad nito sa kanya.

"Ikaw ang nagpadukot sa'kin Vincent?" di-makapaniwala si Peppermint na si Vincent ang kaharap niya.

"Hindi pa ba iyon obvious Peppermint. Yes, ako ang nagpadukot sayo. And it's so nice to do it." ngumisi ito ng pagka-sama at inahigis sa kanyang harapan ang bitbit nitong supot.

"Bakit mo ako pinadukot ha! Ano bang ginawa kong masama sayo Vincent at kailangan mong gawin sa'kin 'to ha!" 

"Ikaw wala pero si Brenan meron. Kaya tumahimik ka na lang kung ayaw mong pati ikaw ay madamay sa galit ko sa kanya." kumuyom ang kamao nito at naupo sa kaharap na silya. Nagsindi ito ng yosi at pinabuhot sa kanya ang usok niyon. Napa-ubo tuloy siya.

"Vincent, alam kong mabuti kang tao at hindi mo ito kayang gawin, kaya please pakawalan mo na ako."

"Noon yun Peppermint. Before that Brenan came. Bago pa umeksena sa buhay mo ang Brenan na yan."

"Ano ba ang pinagsasasabi mo. Hindi kita maintindihan. Ano ang kinalaman ni Brenan dito?" Tila jigsaw puzzle ang mukha ni Peppermint. Brenan is only new to them kaya paano ito nasali sa usapan.

"Tell me ano ba talagang nangyayari sayo. Bakit mo 'to ginagawa. We are both friends right. Kaibigan mo kaming dalawa ni Brenan kaya bakit mo ito ginagawa."

"Gusto mo talagang malaman kung bakit nasa silya ka ngayon at nakagapos? Gusto mo talagang malaman kung bakit kita dinukot?"

"Yes. Dahil hindi kita maintindihan. Alam kong mabuti kang tao." siwa niya. Ibinaba nito ang hawak na yosi. Dinutdot iyon sa ashtray. Napahawak si Peppermint ng tali sa kamay ng lumapit iyon sa kanya ay umupo sa paanan niya.

Peppermint: Now And Forever( Published Under Blue Sky Press Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon