Chapter Five

75 6 1
                                    

"May saltik ka ba?" naiiritang tanong ni Orange sa kanya. Inamin niya kasi sa kaibigan ang plano niyang sabihin kina Tita Paula at Tito Harold na nakita na niya si Kael. Ngayon ay parang gusto siyang balatan ng kaibigan sa naging desisyon.

"Nag-iisip ka ba Peppermint? Alam mo namang sensitive ang mga yun pagdating kay Kael, ikaw na rin ang nagsabi. Paano kung mali pala yang impormasyon mo. Edi mas lalo mo lang silang pinaasa sa wala." sermon sa kanya ni Orange sa telepono. Kasalukuyan siyang nakaharap sa computer pero wala siyang ginagawa. Inaliw lamang niya ang sarili sa paglalaro ng candy crush.

"Feel ko talagang siya si Kael eh. The way his hands and gestures move." rason pa niya.

"My goodness Peppermint, para iyon lang nahinuha mo na agad na siya si Kael. Baka nakakalimutan mong hindi lang si Kael ang tao sa buong mundo na may makinis na kamay." sita nito sa kanya. Narinig niya ang malakas na pagdabog nito ng kung anumang bagay sa speaker.

"Ang akin lang naman kasi ay para bigyan ng pag-asa sina Tita Paula at Tito Harold." puno ng lumbay na sagot niya.

"Pag-asa? Imbes na pag-asa ang maibigay mo sa kanila Peppermint ay baka iyon pa ang dahilan kaya mas lalong magkagulo ang lahat!" napagtanto niya ang punto ng kaibigan. Masyadong naging padalos-dalos ang utak niya.

"Sorry, nami-miss na kasi nina Tita at Tito si Kael." marubdob niyang pahayag.

"Ibang usapan na yan Peppermint. Basta ha, huwag mo munang sabihin sa kanila ang lahat hangga't hindi mo pa talaga nako-confirm. Sa ngayon maghanap ka muna ng mga impormasyon tungkol kay Brenan." tuwid na suhestiyon nito sa kanya.

"Sige." nalulungkot niyang pagsang-ayon.

"Sige tawagan mo lang ako kapag may nangyari." ibinaba na nito ang kabilang linya. Siya naman ay nagpatuloy sa paglalaro. Nang magsawa na ay pinatay niya ang computer at lumabas ng building. Kung patuloy siyang mananatili sa loob ng cubicle niya ay baka iyon pa ang dagliang ikakulubot ng balat niya. Lalanghap muna siguro siya ng sariwang hangin. Kagabi pa kasi siya hindi maayos na makahinga. And it's because of Brenan's sudden wink.

Nagtungo siya sa isang espesyal na coffee shop sa buhay niya. Katapat lamang iyon ng kanyang dalawang palapag na main office ng Fragrant Hub. Paborito nilang dalawa ni Kael ang lugar na iyon. Pagkatapos kasi ng klase ay doon muna sila mag-iistambay. Sa Coffee shop din nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Nag-order siya ng Latte at isang slice ng Peppermint cake. Paborito niya iyon. Noo'y palagi siyang inaasar ni Kael kapag iyon ang kanyang inorder. Ang paborito kasi nito ay Coffee crumble cake. Pagkatapos makuha ang order ay binagtas na niya ang sarili papunta sa kanyang pinakapaboritong spot. Actually, paborito nilang dalawa iyon ni Kael. Malayo kasi iyon mula sa ilang mga customers kaya nagmumukhang pribadong-pribado.

Palapit pa lang siya roon ay nakita na niyang may naka-ukupa na sa isang silya. Nang itaas ng lalaki ang mga tingin nito ay nagulat si Peppermint. The man sitting on her favorite spot is no other than Brenan Fabregas. Naloka siya, bakit ito nasa harapan ng building nila. Sinusundan ba siya nito? Binura naman agad niya agad ang sariling kuro-kuro baka napadaan lang kasi iyon.

Namilog ang mata niya ng makitang nakatingin na ito sa kanya. Di-magkamayaw ang pag-iwas niya ng tingin rito. Hinawi niya ang nakalugay na buhok upang di siya makilala at pasimpleng tumalikod. Pero huli na.

"Peppermint." tinawag siya nito. Kinigkig pa siya dahil sa paraan ng pagkakabigkas nito ng pangalan niya. Napaharap siya rito. Uugod-ugod na nagtungo sa kinaroroonan nito.

"You can join me." inilahad nito ang isa pang bakanteng upuan. Maingat siyang umupo roon at tahimik na napahigop ng Latte.

"Before you're very talkative. Ngayon parang ang tahimik mo ata." saad nito sa kanya. Inisip niyang isa iyong compliment at hindi pang-iinsulto. Gusto niya naman talagang magsalita pero napaka-awkward kasi ng sitwasyon.

Peppermint: Now And Forever( Published Under Blue Sky Press Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon