Chapter 6

23 5 0
                                    


'Khaning'




Naglalakad na ako papasok ng school. Sa totoo lang ayaw kung pumasok tinatamad ako wala ako sa mood.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hey!"

"Ay shit!" mura ko dahil sa gulat. At nabitawan ko ang mga gamit na bitbit ko kanina.

Alam ko to ehh. Magugulat ka tapos mahuhulog mo ang gamit mo tapos pupulutin niyo ng sabay ang mga gamit na nalaglag. Tapos sasabihan ka niya morning ng sorry miss, tapos kikindatan ka nya.

"Ahh, Miss? Ok ka lang ba?" tanong niya. Di agad ako makatingin sa kanya dahil busy pa ako sa pagpulot ng mga gamit ko. Dahan dahan siyang lumuhod at tinulungan niya akong mamulot ng mga gamit ko tapos. Inilalayan niya akong tumayo.

"Miss? Ok ka lang? Baka nasugatan ka?" alalang tanong nya.

Napaangat ang tingin ko at nginitian siya.
"Ok lang ako! Ayos lang yun di mo naman sinasadya." masigla kung sagot.

"Ah, sorry talaga miss ah di ko talaga sadyang gulatin ka."

"Ok lang talaga yun, tsaka wag na miss ang itawag mo sa akin para kasing nakakatanda ehh Khaning nalang ok?" ngiti kung sagot.

"Ah m-khaning may itatanong sana ako kaya kita kinausap kanina" napakamot sya sa ulo nya.

"Ah ano yun?"

"Di ko kasi alam kung saan ang Art building dito , bagohan pa kasi ako dito" hiya niyang tanong.

"Art building ? Dun ako papunta ngayon! Artist ka rin?

"Ahh oo eh"

"Tara sabay na tayo! Ihahatid kita --? By the way ano nga pangalan mo?" tanong ko sakanya di ko kasi alam pangalan nya ehh

"Ken" masigla nyang sabi.

"Ken! Wow ganda ng pangalan natin ahh! Bagay sa gwapo mung mukha!"

"Hahaha di naman"

"Sus ito naman nahihiya pa" biro ko. "Alam mo ang ganda ng kutis mo! Artista ka ba? Oh model?"

"Oy ahh masyado mo na akong kinokompliment baka masanay ako nyan hahahaha" tawang tawa nyang sabi.

" hahahaha tara na nga baka malate pa tayo" hinila ko na siya papunta sa Art building.

~*~


"Hoy! Khaning! Tara na bilisan mo! Mauunahan tayo sa puwesto natin sa Canteen!" bulalas ni angel.

"Oo na ito na patapos na ako." sabi ko. Tung isang to parang mamatay pag na agawan ng pwesto. Tss.

Papunta na kami ng canteen at dali daling pumunta sa favorite spot namin.

"Ayun ohh! Salamat naman wala pang nag tangkang umupo dito" masayang sambit ni angel.

"Oo nga eh! Takot kasi sila sayo angel. Para ka kasing nangangain ng tao eh" biro ni jecille.

"Anong!? Ikaw jecille ah! Wag kang hihingi na ng pagkain sakin!" sumbat nito.

"Joke lang angel to naman di mabiro!" tawang tawang sagot ni jecille.

"Tss.. Wala ako sa mood makipag biruan!" galit parin nyang sagot.

"Hoy! Wag nga kayong mag away! Angel may PMS kaba ngayon? Ang init init kasi ng ulo mo eh" singit kung sabi. Baka kasi mauwi nanaman to sa malaking away. Tapos mahahati nanaman oras ko nito sa kanila.

Marrying The Crown Prince (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon