Chapter 5

24 4 0
                                    

'Khaning'

Maaga akong nagising ngayong araw nato. Para mag linis ng bahay.

Wala naman kasing pasok ngayon.

Naglilinis na ako ng bintana. Habang nag lilinis di ko maiwasang maalaala ang nangyari kahapon. Talaga bang ikakasal na siya?

Akala ko isang fake news lang yung balita....

Pero bat ganun parang di naman ata tinanggap nung babae ang alok niyang mag pakasal?.

So di matutuloy yung kasal?

Tss. Bat ko pa pinoproblema yun?... Nagpatuloy nalang akong maglinis.

Hanggang sa na pag tripan ko salamin para mag drawing dun gamit ng aking gamay.

Napa ngiti nalang ako ang gwapo talaga ng principe ko kahit di ko pa nakikita ang mukha nya.

"Hey my prince, wag ka ng mahiya humarap kana sakin." kausap ko ang drawing na tila ba ayy totoo

"Kung ayaw mong humarap ako nalang ang pupunta dyan sa likod para makita ang mukha mo." kilig kung sabi. Para na talaga akong sira.

"Pag bilang ko ng tatlo pupunta na ako dyan, at tsaka di lang ako pupunta dyan para makita lng ang mukha mo kundi hahalikan din kita."

"1 2 3" agad agad akong pumunta sa likod at hinalikan ang salamin na para bang may totoo akong kahalikan.

Dahan dahan kung binuksan ang aking mata, may nakita akong imahe ng isang lalaki nakatayo sa harapan ko at titig na titig sa akin.

"Ahhhhhh! Bakit ka nandito!?" gulat kung tanong

"Tsss. Are you working here?" tanong nya sakin. Di man lang sinagot ang tanong anak ng!

Bakit mukha ba akong kasambahay dito?!" ng gigil na talaga ako sa kanya huh!

"Where are your boss?" atat nyang tanong

Tsss. Wala talagang modo!

"Sino? Si daddy? Wait lang tatawagin ko maghintay ka." di ko alam huh pero parang nag bago ang ekspresyon ng mukha nya nung sinabi kung daddy.

Bakit para ba talaga akong katulong? Kaya siya nagulat nung sabihin kung daddy.

"Da---"

"Wag na" pagpuputol nya sa akin.

"Di nakailangan" pagpapatuloy nya. Aalis na dapat sya pero bigla ko syang sinigawan.

"Hoy! Di porket PRINCIPE ka magagawa mo ang lahat! Inutusan mo ako! Tapos ngayon babawiin mo?! Wala ka talaga magawa sa buhay mo no?! At ako nalang ang pinagtitripan mo!?" sigaw ko sa kanya.

"Humanap ka ng iba uy! Di ako nag papatalo!"

"Tss" yung lang 'tss' lang abat!

Magsasalita pa sana ako kaso nakasakay na sya sa kanyang motor at umalis agad.

Ano kayang kailangan ng isang yun. At bakit niya hinahanap si daddy.

Baka.... Baka magsusumbong sya sa ginawa ko sa kanya nung unang araw kami nag harap.

Nako nako wag naman sana.

~*~

"Dad! May nag hahanap sayo! Kaibigan mo daw." sigaw ko para marinig ako ni daddy

"Papunta na, sabihin mo na maghintay ng saglit"

"Ahh rinig niyo naman po diba. Hintay nalang po kayo nag saglit." sabi ko sa matabang lalaki na nasa harapan ko.

Tumango lang sya at umupo na.

"Ahhh sir gusto nyo pong uminom ng tubig o juice? O kape?" alok ko sa kaibigan ni dad

"Sige iha tubig nalang , salamat" ngiti nyang sabi. Ang weirdo niyang tignan. Parang gangster hahaha.

Pumasok na ako sa loob para kumuha ng tubig. At nakasalubong ko si daddy.

"Anak, andyan pa?" tanong ni daddy

"Oho, sige pa kukuha muna ako ng maiinom niya" pagpapaalam ko.

Agad namang lumabas si daddy para kausapin yung bisita niya.

Pabalik na ako ng sala ng bigla kumg makita si daddy na naka higa na sa sahig.

Dali-dali akong lumapit at tinulungan siyang makatayo.

"Anak, pumasok ka nalang sa loob." utos niya

"Ehh kung siya nalang kaya ang ibayad mo sa mga utang mo! Tutal maganda naman siya. Kung papayag ka lahat ng utang mo sa akin ay kakalimutan ko na" sambit nung lalaki kanina na bisita ni daddy.

"Baliw ka! Di maaari! Ok lang na mag kandaugaga ako para makabayad sa utang ko sayo. Wag na wag mo lang hahawakan o lalapitan ang anak ko!" galit na sabi ni papa.

Aakma na sanang susuntok yung lalaki kaso may pumigil sa kanyang tatlong lalaki din.

Sino sila?

Pag lingon ko sa likod nakita ko ang isang matandang lalaki na nakapustura.

"Wag na wag mong sasaktan ang pamilyang Santiago! Lalo na ang babaeng yan" sabay turo sa akin.

"Huh? Ako?" sabay turo sa sarili ko. Tumango lang ang matanda.

"Wag na wag kanang babalik dito, ang pamilyang ito ay pinoprotekhan ng makapangyarihang tao kaya wag na wag kanang lalapit sa kanila!" banta nung matanda sa lalaking nanakit kay daddy

"All i know wala namang makakapagtanggol sayo? Diba?" pagpapatuloy nung matanda

"Kaya simula ngayon di mo na sila gagambalain pa!"

"O--op--opo sir!" agad na tumakbo ang lalaki palayo sa amin

"Dad, ayos ka lang ba? Tara sa loob gagamutin kita" alok ko kay daddy

"Wag na anak, may kakausapin pa ako. Pumasok kana sa loob"

Wala na akong magawa kundi ang sundin ang utos ni daddy.

Sino kaya yung matandang nag ligtas sa amin? Bakit niya sinabing makapangyarihan? Mayamam ba kami? Pero baka gawagawa lang niya yun para matakot lang yung lalaki. Haist bahala nga.

Magpapahinga nalang ako.

Marrying The Crown Prince (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon