Chapter 8

35 4 0
                                    

'Khaning'

Hanggang ngayon hindi parin talaga pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari.

Alam ko na ang lahat kinwento na ni daddy ang lahat na half phutin talaga kami. At anak talaga sya ng isang Royal guards na naging isang malapit na kaibigan ng dating hari.At tungkol din dun sa napagkasunduan ng hari at ng lolo ko.

Akala ko nagbibiro lang sya pero seryosong seryoso siya sa pag sabi nun kaya ibig sabihin totoo talaga.

Marami pa akong pangarap na tutuparin. Kung ikakasal ako? Ano nalang mangyayari sakin? Di na ako makakapag aral? Di ko na matutupad mga pangarap ko sa buhay?




bat ako?




Kay Prince?


K--?




Its a big Noooooooooooo...




Tama sasabihin ko sa kanila na tinatanggihan ko ang alok nila.



Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at hinanap ko agad sila daddy.



"Dad!" sambit ko.


"Oh, anak nakapag desisyon kana?" tanong agad ni daddy.


"Opo! , at hindi po ang desisyon ko" saad ko.


"Ah-- ano!? Tinatanggihan mo?" gulat na gulat na tanong ni daddy.


"Ano kaba hon! Wag mong pilitin ang anak mo. May dahilan siya bakit niya tinanggihan iyon" sambit naman ni mommy kay daddy. At binaling nya sa akin ang tingin.



"Anak, nirerespeto namin ang desisyon mo" malumanay na saad ni mommy. Mabuti pa siya nakakaintindi sakin. Samantalang si daddy? Ayy ewan.



"Salamat po mom!" di mawala sa labi ko ang ngiti habang sinabi ko yun.



Di ko na kailangan mag pakasal.


"Sge mom, balik napo ako sa kwarto matutulog muna ako" pagka sabi ko nun agad na akong pumasok sa kwarto ko at sumalampak sa kama ko.


Wala akong masyadong ginawa sa araw nato. Pero bakit pagod na pagod ako? Dahil sa kakaisip ko sa tanong na yun? Ayy ewan..


Basta nakapag desisyon na ako yun na yun di na magbabago pa ang isip ko.




Di ko na namalayan na unti-unti na akong nakatulog.


~*~



"San na yung pambayad mo dito huh? Ilang buwan na tayong hindi nakakapagbayad! Ano ng plano mo dito?! Kung may matinong trabaho ka lang sana! Di tayo magkakaganito!" rinig kung sigaw sa labas ng kwarto ko.


Lumapit ako sa may pinto ng kwarto ko at inuwang ito ng kaunti para marinig ko pa ang usapan nila.


"Wag ka ng mag alala, may naisip na akong paraan" malungkot na sabi ni daddy.



Marrying The Crown Prince (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon