Pahina 2 - Sabado

1K 55 3
                                    

Sabado

Ilang minuto na ngunit hindi matanggal-tanggal ang mata ko sa mga puno kung saan siya dumaan. Pakiramdam ko guni-guni ko lang ang lahat o nakatulog ako at nanaginip. The alluring magnificence of that girl is too good to be true.

"Jairus?" ang malamig na boses ni Pacio ang pumukaw sa akin.

Huminga ako nang malalim at hinarap siya. "Oh? Tapos na kayong maglaro?"

Sumandal siya sa bakod at may tinanaw mula rito kaya sinabayan ko siya. Nanunuri ang mga titig niya sa mga naglalakihang niyog sa likod ng nakaharang na bakod.

"Nagpakita siya sa'yo?" aniya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Kumunot ang noo ko. Hindi agad nakuha ang gusto niyang sabihin. O ang taong tinutukoy niya.

"'Yong batang babae. 'Yong mas maputi pa sa buhangin ng islang 'to ang kutis." dagdag pa niya nang maaninag ang pagkalito sa akin.

Oh...

Mabilis kong natukoy kung sino ang babaing sinasabi niya. Iyong nakita ko kanina. 'Yong dahilan kung bakit ilang minuto akong natulala at nanatiling nakaluhod sa may butas ng bakod habang paulit-ulit na inaalala ang marikit na mukha nito.

Nagpakita? Bakit? Multo ba? Hindi matahimik na kaluluwa? Baka naman na-engkanto na ako? Napapanood ko naman kasi sa mga horror movies na may mga bagay na hindi maipaliwanag sa isla. Lalo na sa mga hindi matao o 'yong walang mga lugar na wala na talagang naninirahan.

Hindi naman ako naniniwala sa mga ganun. Nakakabakla. Siguradong pagtatawanan lang ako ng mga kaibigan ko kapag malaman nilang pumapatol ako sa mga ganoong kwento.

Nagkibit ako ng balikat.

"Nakausap ko nang kaunti." pagsasabi ko ng totoo.

It is not something I should be ashamed of. Rather, something I should be really proud of. Nakausap ko ang isang mala-anghel na bata. Hindi ba nakaka-inggit 'yon? Hindi ba napakasuwerte ko?

Nanlaki ang mata niya at hinawakan ang aking braso. "H'wag mo nang uulitin. Kapag magpakita ulit sa'yo, h'wag mo na lang pansinin!" halos maghisteriya si Pacio. Para bang maling-mali na kinausap ko ang batang 'yon.

Nababaliktad yata? Baka maling kinausap n'ung babae ang sutil na batang katulad ko? Tumatakas sa magulang para lang makagala kahit na mahigpit namang binilinang manatili sa loob ng resort.

Ngumuso ako at muling pinagmasdan ang mga niyog kung saan siya naglaho kanina. Huwag pansinin? Kapag sabihin kong gagawin ko 'yon, ginagago ko lang ang sarili ko.

Kahit na sinuman, walang makaka-ignora sa taglay niyang kagandahan. Kalugod-lugod. Hindi nakakasawang pagmasdan. Imbis, nakakaadik. Hindi madaling matanggal sa isipan ng kahit sinuman.

"Hmm, ano ba'ng meron d'on?" Itinagilid ko ang ulo habang nakahalukipkip.

"May sabi-sabi kasing aswang daw ang lola n'on. Sa gabi nagpapalit ng anyo at naghahanap ng p'weding makain."

Sa halip na manginig sa takot, umangat ang sulok ng labi ko. Ayaw seryusuhin ang kuwentong ganito. "Baka naghahanap ng manok? O iba pang hayop?"

Pinilig niya ang ulo. "Hindi lang hayop ang gusto niyang makain kundi... tao rin." seryuso niyang sinabi sa tonong nakakapanindig balahibo. Na para bang mapapaniwala niya ako kapag 'yon ang gamitin niyang tono.

Hindi ko na napigilan ang multo ng ngising lumitaw sa labi ko. "Lola naman niya 'yon, iba siya."

"Kung aswang ang Lola niya, 'di nakapagtatakang ganoon din siya, Jairus. Kaya nga nilagyan lang ng bakod dito dahil sa panig na 'yon, bahay na nila." giit pa niya na lalong nagpalapad ng ngisi ko.

Will Our Horizons Ever Meet Again? ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon