Dati
"Congrats, bruh! Third honorable mention ka!" bungad sa akin ni Noel nang papalabas na ako sa classroom.
Alam ko namang ngayong araw ang pagsuri ng mga teachers sa average namin. Inalisa nila kung sino ang mga pasok sa top seventeen na aakyat sa stage ngayong graduation.
Sinabi naman sa akin ni Ms. Lorenzo na pumunta raw ako sa classroom niya dahil doon magaganap 'yon at isa raw ako sa mga candidates na pweding makasali. Kaso hindi na ako nakapunta. Whether I may happen to make it to the top ten or not, it's fine with me.
"Whoa, talaga? That's good to hear." ngisi ko at tinapik siya sa balikat. "Ikaw?"
"Eighth honorable mention. Excited na tuloy ako sa regalo ni Dad. Kyrie Irving na sapatos, eh!" gigil niyang saad saka humalakhak.
Hmm, what gift should I ask from my parents, then? It should be meaningful. Lalo na at medyo mataas ang rank na nakuha ko.
Kaya naman nang matapos kong ibalita iyon kina Mama, tuwang-tuwa sila. Simula kasi elementary medyo pasaway ako sa school kaya naman hindi sila makapaniwalang kasali ako sa top ten ngayon.
"Since you did well in school, I'll let you choose wherever you want to go this upcoming summer." nakangiting saad ni Mama sabay tapik sa likod.
Ngumisi ako at tumango. Wherever I want to go, huh? Isa lang naman ang gusto kong puntahan. Hindi sa ibang bansa, hindi 'yong mga lugar na maraming kumukutitap ng mga gusali tuwing gabi. Hindi 'yong maraming malls na p'weding puntahan. Kundi iyong lugar na tahimik, simple, at mababait ang mga tao.
Ang lugar kung saan nakatira ang batang madalas kong kausap noon.
"Gusto ko po sa resort nina Auntie, doon sa islang pinuntahan natin noon."
"Oh, are you sure? You can go to New York if you want." suhestiyon pa ni Mama pero umiling ako.
"Sawa na po ako, eh. Gusto ko 'yong bago."
Though it's not a new place to me. O siguro 'yong lugar na hindi nga bago sa akin. Pero tumatak sa sistema ng katawan ko. Mas nakaka-engganyong balik-balikan.
"But you've been there when you were still in elementary," she noted.
"Hayaan na, baka na-enjoy niya talaga ang lugar doon. Besides, it's been a long time since we went there." singit ni Papa na ngising-ngisi sa 'kin ngayon.
Don't know what's the idea lurking behind those wide grins, though.
Suminghap si Mama at tumango na rin kalaunan. "Alright, para may kasama na rin sina Ate Darlene doon."
Nang matapos ang graduation ay nagpunta muna kami nina Mama sa Batangas para sa family bonding. Ilang linggo rin kami roon. At nang makauwi ay sinalubong kaagad ako ng mga barkada ko. Gumala kami kung saan-saan lalo na at ang iba sa kanila ay sa ibang bansa na ipagpapatuloy ang pag-aaral.
Sa huli ay napadpad kami sa shop ni Tito Dino. Sigurado akong tapos na ang ipinagawa ko. Ilang buwan din akong hindi pumunta rito para malaki ang oras niya sa paggawa. Gusto ko kasi mapagtuunan niya iyon ng pansin. 'Yong hindi minadali, para ba'ng masterpiece ang pagkakagawa.
"O, ito na. Ginugol ko talaga ang oras ko diyan."
"Whoa, salamat dito, Tito." nakangisi kong sinuri ang painting.
'Yong malamlam na mata ni Inesa, kuhang-kuha talaga. Kahit ang lambot sa kulot niyang buhok ay madaling maaninag. Buhay na buhay ang pagpinta. Isa pa sa pinakanagustuhan ko, 'yong kainosentehan niya nasasalamin dito.
Ngayon ko lang nalaman ang ibig sabihin ng kanyang pangalan.
Inesa means pure and innocent. Bagay lang sa may-ari ng pangalan na 'yan.
BINABASA MO ANG
Will Our Horizons Ever Meet Again? ✔
General FictionHanggang kailan ulit kita matatanaw? Hanggang kailan ulit magtatagpo ang ating mga landas? Ilang araw pa ang daraan? Ilang beses pa magpapakita ang buwan? Hanggang sa matanaw kong muli ang ating guhit-tagpuan? ...