Wakas

1.6K 76 16
                                    


Tatlong kurap pa bago luminaw ang paningin ko. Puting kisame ang bumulaga sa akin, ganoon din ang dingding. Hirap akong lumunok, parang may tubong nasa loob ng aking bibig. May kung ano'ng humaharang sa aking ilong, ngunit nakakatulong iyon upang makasagap ako ng sapat na hangin.

Waring may matigas na bagay sa aking leeg. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, tanging mga daliri ko lamang. May naramdaman din akong parang may nakakabit doon.

Isang tunog ng parang alarm ang narinig ko. Ang imahe ng umiiyak na babae ang humadlang sa aking bisyon. Medyo may mga wrinkles na sa mukha tanda na mas dumagdag ang kanyang edad.

Marahan ang kanyang paghawak sa aking pisngi, pumpatak pa roon ang nag-uunahan niyang luha.

"J-Jairus! S-Salamat sa Diyos at gising ka na!"

Kumunot ang noo ko. Masyado akong pagod upang magsalita. Sumubsob ang mukha niya sa aking dibdib at doon humagulhol. Parang ginigiba ang puso ko at paulit-ulit na binubundol hanggang sa mamanhid.

"Jairus, can you see this?" tanong ng isang lalaking halos puti na ang buhok, may suot ding puting damit habang iginagalaw ang hintuturo sa tapat ng aking mata. Mayroon pang accent.

"Good, follow the movements of my finger with your eyes." ginalaw niya iyon na siyang sinundan ko.

Ngumiti siya kalaunan at bumuntong hininga. "This is a miracle! All of his vitals are already normal. He just needs a full recovery. Maybe after few months, Jairus can already be discharged, Mrs. Martinez."

Sa ilang buwang hindi ako makapagsalita, parang may malaking kulang sa akin. May malaking giwang. Parang may blangko. Hindi ko alam kung bakit. Mabigat ang dibdib ko, para bang pagod na pagod sa kung anumang pinagdaanan nito.

"Anak, limang taon kang tulog." sabi sa akin ni Mama noong nakaraang buwan habang umaagos ang luha.

Sinubukan kong iangat ang aking kamay para pahirin ang luha sa pisngi ng pinakamamahal kong ina. Pumikit siya at dinama ang haplos ko roon.

Hindi sinasadya ay nalingat ako sa bintana. Tanaw ko ang kulay asul na dagat. Maaliwalas ang paligid tanda na mataas ang sikat ng araw. Sa malayo, natanaw ko ang guhit-tagpuan ng langit at karagatan.

Parang may sumikdo sa dibdib ko. Mas malalang sakit ang namutawi roon. Pinaghalong pagdadalamhati at kalungkutan ang nararamdaman ko. Waring inilalagay ako sa gitna ng kadiliman kung saan puro pait at sakit lang ang naroon.

Isa lang ang naisip ko sa mga oras na 'yon.

"Inesa..."

"Ate Lydia, nakakapagsalita na si Jairus!" lumuluhang sinabi ni Mama habang hawak ang kamay ko ng mahigpit.

Nakatayo si Auntie sa tabi at tahimik ding umiiyak. Mahirap ang paglunok ko at inulit ang pangalan ng babaing kauna-unahang minahal ko at huling mamahalin.

"I-Inesa..."

"Anak, hindi mo pa siya mapupuntahan. You're in USA. Dinala ka namin dito matapos ang..." hindi niya tinapos.

Kumunot ang noo ko ngunit bigo siyang yumuko. Niyakap siya ni Auntie Lydia habang paulit-ulit na humihikbi. Habang nakaratay sa puting kutson, nagkasya ako sa paninitig sa karagatan.

She's the farthest distance my eyes could ever reach. I'm wishing for the stars to finally close the space between us. But if the nature is against with it, then I'll do it my own way.

Can you perhaps see our horizon too, Inesa?

Hanggang dito lang ba ang magagawa ko? Ang titigan ang ating guhit-tagpuan na siyang nagpapa-alala sa akin sa imahe mong walang kapantay ang kagandahan?

Will Our Horizons Ever Meet Again? ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon