Pahina 7 - Sa Akin

762 39 2
                                    

Sa Akin

Ngayon na ang araw ng muli kong pag-aalis. Natututo na talaga siyang magbasa. Ilang pangungusap na sa Filipino ang nababasa niya. Pati Ingles na babasahin ay medyo nakukuha na rin niya.

Kung sa normal na paaralan 'to, masasabi kong p'weding maisali sa top ng klase si Inesa. May potential at madaling matuto. Sayang, hindi sapat ang dalawang buwang kasama ko siya.

"M-Namaya na ang alis mo?" aniya sa mababang boses habang nakayuko.

Marahan akong tumango. "Pero babalik din naman ako. Uh, medyo matatagalan nga lang ulit."

Tumikhim siya at tumango. "A-Ayos lang. Eh 'di, hmm. Maghihintay nalang ako rito araw-araw kasi hindi ko naman alam kung kailan ang balik mo?"

Shit, araw-araw? Ilang taon ulit akong mawawala, Inesa. Come on baby, don't make it too hard for yourself. Why do you need to do that when there's still an alternative in knowing when will I come back?

I heaved a sigh and leaned on the fence.

"Susulatan kita." I said so sure and certain.

Awtomatiko siyang nag-angat ng tingin gamit ang nanlalaking mata. "S-Sige ba! Tutal, nakakapagbasa naman ako. Uhm, h'wag lang 'yong Ingles madalas, ah? 'Di pa ako nakaka-intindi n'on, eh." dire-diretso niyang saad.

Ngumuso ako upang pigilan ang nagbabadyang ngisi. "Oo naman. Tuwing Sabado kita padadalhan ng sulat. Ipapahatid ko rito sa tauhan nina Auntie sa resort, Inesa. Dito ko sa bakod ipapalagay ang sulat. Gan'on din ang gawin mo, kapag magsulat ka sa akin, ilagay mo lang dito sa bakod dahil kukunin 'yon dito tuwing Sabado. Ayos ba?"

Sunud-sunod ang pagtango niya, natabunan na ang lungkot na naroon kanina. Salamat naman dahil kung hindi, siguradong mas mahihirapan akong umalis. Doble-doble pa sa paghihirap ko noon.

"Gusto ko 'yan, Jairus! Eh paano kung wala na ako'ng papel at lapis?" halos nakalabi niyang sinabi.

Umangat ang sulok ng labi ko. She looks so damn, charming. Wala na yatang papantay. Kahit pagsama-samahin sina Miranda Kerr, Bihatti Prinsloo, at Taylor Hill, Inesa ng Isla de Gloria pa rin ako.

"Paaabutan kita rito, sabihin mo lang sa sulat kung nauubusan ka na ng mga 'yon."

"O sige, Jairus." nakangiti niyang sagot na sinabayan pa ng pagtango.

Nagtitigan pa kami saglit bago ako yumuko para kunin ang isang bag. Nilusot ko iyon sa butas sa ilalim ng bakod. Lumuhod siya sa buhanginan at binuksan ang bag para makita ang laman.

"Mga libro 'yan. Libangin mo nalang ang sarili mo sa pagbabasa habang naghihintay sa sulat ko at... sa akin. Lahat 'yan Tagalog."

"Salamat talaga, Jairus! Babasahin ko lahat ng 'to!"

Si Auntie Darlene ang pumili ng mga librong 'yan. Sabi niya mga kwento daw ng mga prinsesa. Mayroon ding kwento ng mga hayop na kapupulutan ng mga aral. Hinayaan ko na tutal may background naman si Auntie sa teaching.

"H'wag kang pupunta rito hangga't hindi ko sinasabing pauwi na ako. Baka saktan ka lang ng ibang mga bata riyan." nahigpit kong bilin ngunit nasa mga libro na ang atensyon niya.

Lumuhod ako sa buhanginan at kinuha ang kamay niya. "Inesa,"

"Hmm?"

Shit. "H'wag kang pupunta rito. Saka lang kapag nandito na ako."

Ngumiti siya at tumango-tango. "Sige, pupunta lang ako rito kapag nandito ka na."

Nakuha ko na naman ang sagot na gusto kong marinig pero bakit tila kulang pa rin? Parang may dapat pa akong ibilin na siyang makakapag panatag sa akin.

Will Our Horizons Ever Meet Again? ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon