Pahina 12 - Pagpili

1K 35 3
                                    

Pagpili

"Jairus, I heard that the weather wouldn't be good today. Tutuloy ka pa rin ba sa isla?" may pag-aalalang saad ni Mama habang binubuhat ko ang aking bagahe papuntang sasakyan.

"Yes, Mama. 'Tsaka sinabi ko rin kay Inesa na babalik ako matapos ang isang linggo, eh."

Katatapos lang ng seminar namin kanina. It was actually a seminar workshop. Apat na araw akong namalagi rito sa Maynila. Hindi ko na siya naisama dahil mas gusto rin niyang bantayan si Lola roon.

"But I guess she can still wait for another week, Anak? Hindi talaga ako mapanatag na bibiyahe ka kung masungit ang panahon. Paano kung biglang tumaob 'yong bangka? Paano kung masyadong malalaki ang mga alon sa karagatan?"

Umiling ako at hinawakan ang balikat ni Mama. "I'll be fine, Mom. Nothing's gonna happen, alright? I already saw the news in the internet. Bukas pa raw magla-landfall ang bagyo."

"But, Jairus-"

"Hindi rin po ako matatahimik na maiiwan si Inesa roon sa gitna ng bagyo. Mag-aalala ako."

Oo pinaayos ko na ang bahay nila pero hindi ako sigurado kung makakayanan n'on ang matinding ulan. Siguradong mahihirapan si Inesa kay Lola lalo na't hirap na itong maglakad. Bago pa man ang landfall kailangang makuha ko na sila at mapatuloy sa resort.

"Pero hindi ka ba nag-aalala para sa sarili mo, Anak?" subok ulit ni Mama pero nanatiling pirmi ang desisyon ko.

"Ma, mapapangasawa ko na po 'yon, eh. When it comes to that woman, I become careless about myself. She's more important over my life."

Kahit ano'ng mangyari, kapakanan pa rin niya ang iisipin ko. She's the most precious jewel I have. No other diamonds can be comparable to her significance. Nangako ako kay Lola na hindi ko sila pababayaan, hindi ko titibagin ang pangakong 'yon.

Dahil kapag pabayaan ko sila, parang pinatay ko na rin ang sarili ko. Hinding-hindi ko siya iiwan kahit ano pang mangyari.

"Ser, sigurado po ba kayong tutulak tayo? Maalon po, eh. Mamayang alas tres daw ang landfall, hindi na nga kami pinapayagang pumalaot nina Mayor. Para na rin daw sa kaligtasan namin."

Maaga akong nakarating dito sa probinsya dahil gusto ko'ng siguraduhing makakauwi ako ng mga alas otso ng umaga.

"Hindi po ba talaga p'wedi, Manong? Lalakihan ko nalang po ang pamasahe ko. 'Tsaka pakyawin ko pa po." subok ko pero nakangiwi siyang umiling.

Napasuklay ako sa aking buhok at naupo sa waiting shed. Hindi talaga ako mapapakali kung hindi ako makauwi ngayon. Pati sina Auntie siguradong mahihirapan. Oo marami silang trabahador sa resort pero iba pa rin kung ako ang naroon kina Inesa dahil mas masisigurado ko ang kaligtasan nila.

"Jairus! Pauwi ka na? Tara, sabay ka nalang sa 'kin! Hindi rin kasi ako papayag kapag hindi ako makauwi." ani Tatay ng kaibigan kong si Totoy.

"Sige po, Mang Kaloy, kanina pa talaga ako naghahanap ng p'wedi kong masakyan papunta roon."

Kung pagmamasdan ang karagatan, talagang nakakatakot. Masyadong malalakas ang alon, isama pa ang marahas na paghampas ng malamig na hangin. Para bang galit na galit. Makulimlim din ang langit, taliwas sa madalas nitong matingkad na kulay.

Ang mapusyaw na asul ay napalitan ng abong kulay. Gumagalaw ang bangka dahil sa napakalakas na ihip ng hangin. Wala pa namang ulan.

"Kapit ka lang ng mabuti, Jairus. Siguradong medyo matatagalan tayo. Masyadong galit ang mga alon ngayon."

"Oo nga po, palagi po bang binabagyo ang isla?" nilalakasan ko na ang boses ko dahil masyadong maingay ang hangin kahit ang mga alon.

Magalaw ang bangka, para bang kahit ano'ng oras tataob ito. At siguradong hindi ako makakalangoy ng mabuti sa ganito kalakas na mga alon.

Will Our Horizons Ever Meet Again? ✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon