Sige Lang
"J-Jairus..." aniya at dahan-dahang tumayo.
Napawi ang ngisi ko nang madapa siya sa pangalawang hakbang palang palapit sa bakod. Shit!
Gusto kong mapamura, gusto kong sirain ang bakod para matulungan siyang tumayo!
"Inesa!"
Naghanap ako ng p'wedi kong lusutan pero wala. Masyadong planado ang paggawa ng harang na ito. Masyado pang mataas at sa may tuktok ay tinulisan ang mga kahoy kaya hindi p'weding akyatin.
"O-Okay lang ako, Jairus." nakangiwi niyang saad habang inaangat ang sarili mula sa pagkakadapa.
Napamura ako nang may makitang pula sa kanang tuhod niya. Pati pa sa palad. Alam kong galos 'yon!
Why do you need to run, huh? Hihintayin naman kita, eh. Hindi naman ako aalis. You're the reason of my come back, baby. So what's with the rush, hmm?
I painfully swallowed hard as she tried to take slow steps towards the fence. Mas maingat na ngayon. Sama pala sa pakiramdam iyong malakas ang katawan mo, kaya mong makatulong pero wala ibang paraan kung papaano.
Sa susunod talagang ipapagiba ko ang bakod na 'to. Aboso nang masyado. Tss.
"Ba't ka ba kasi nagmamadali?" masuyo kong saad, may halong panenermon nang makalapit na siya.
Nakahalf-seat na kaming pareho ngayon.
"P-Pasensya na... s-sinisigurado ko lang kasi kung totoo, eh."
Pumikit ako ng mariin, parang punyal ang mga salitang binitiwan niya. Kaya ko pa namang indahin, pero ang marinig ang medyo pagkabasag sa boses niya... hindi nalang ang kaliwang parte ng dibdib ko ang ginigiba. Pati mundo ko, nililindol pa yata.
Marahan akong napamura nang may likidong pumatak sa tuhod niya. Mala-kristal. Makintab at malinaw. Ngunit hindi ko magawang mamangha o masiyahan. Bakit ko 'yon mararamdaman kung alam ko kung saan ang pinanggagalingan niyan?
"Inesa..."
Iniwasan niyang mag-angat ng tingin, pero sa pagyugyog ng balikat niya, alam ko na.
Pinasok ko ang kamay sa espasyo ng dalawang kahoy at inangat ang baba niya. Doon ko mas nasilayan ang mga luhang walang patid sa pagpatak sa malamlam niyang mga mata.
What's our problem, hmm? Did you get bullied while I wasn't around?
Inangat ko ang hinlalaki ko at marahang pinunasan ang kanyang magkabilang pisngi.
"Shh, tahan na." pang-aalo ko.
Kinagat niya ang ibabang labi at tumango.
"P-Pasenysa na... nasabik lang ako. A-Ang tagal mo kasing n-nawala..." nag-iwas siya ng tingin at dahan-dahang umupo sa mga buhangin.
Humugot ako ng malalim na hininga bago maupo na rin. Gaya dati, nagkasya kami sa paninitig sa isa't-isa. May bago na naman akong imememorya sa katangian niya.
Kahit sa gitna ng katahimikan namin, hindi ako nakaramdam ng pagkabagot. Imbis, fulfillment. Parang 'yong giwang sa akin, napunan na naman.
"Did you miss me?" seryuso kong tanong habang matiim siyang pinagmamasdan.
Her eyes screamed confusion. A ghost of a huge question mark floated on her head again. Dinilaan ko ang ibabang labi habang pinagmamasdan ang walang kupas niyang kagandahan.
"M-Miss?"
Umangat ang sulok ng labi ko at sinuri siya ng husto. Pilit binabasa ang kasuluksulukan ng utak niya. What's running on your mind right now, huh?
![](https://img.wattpad.com/cover/152731858-288-k40575.jpg)
BINABASA MO ANG
Will Our Horizons Ever Meet Again? ✔
Fiksi UmumHanggang kailan ulit kita matatanaw? Hanggang kailan ulit magtatagpo ang ating mga landas? Ilang araw pa ang daraan? Ilang beses pa magpapakita ang buwan? Hanggang sa matanaw kong muli ang ating guhit-tagpuan? ...