DAY 31 ( MAY 31, 2018)
Glaiza's POV
Ilang araw nga ba ang kailangan para masabing totoong nagmamahalan ang dalawang tao? Basehan nga ba ang mga oras, araw, buwan, taon upang masabing magtatagal ang isang relasyon?
"Yes Sos my flight got delayed. I'm exhaus– oh my— Glai?!" sigaw ni Rhian nang ako ang bumungad pag pasok niya, muntik pa niya mabitawan ang kanyang cellphone.
"Surprise!" Sabi ko at tinaas pa ang mga kamay ko.
"How.. when.. I mean... you're here." Sambit niya na tila hindi makapaniwala na totoong tao ang nasa harap niya.
"Nakiusap ako kina Solenn na sabihin sa flatmate mo na papasukin ako. Mabuti nakwento mo rin pala ako sa kanila baka tumirik na mata ko kakaantay sa labas. Antagal tagal pa ng biyahe. Ansakit na ng pwet ko sa kakaupo sa eroplano, tignan mo nga babe baka naflat na tong pwet ko..." Pabirong reklamo ko at bahagyang tumalikod pa upang ipakita ang likuran ko. Pinipigilan kong di maiyak ngayong iisang lupa na ang tinatapakan namin, na iisang hangin na ulit ang hinihinga namin, na nasa harap ko na siya ulit ngayon.
Lumapit ako sa kanya at pinahid ang mga butil ng luha sa kanyang mga pisngi pagkatapos ay inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat at yinakap siya nang kay higpit.
"Masyadong mahaba ang byahe pauwi pagkatapos kitang ihatid sa airport, it made me realize how much I didn't want us to be apart. I don't want to miss you anymore, Rhian." I whispered softly.
Bumitaw ako sa pagkayakap sakanya nang naramdaman ko ang lalong paghagulgol niya.
"Hey, stop crying. Andito na ko oh. Pagkauwi ko ay nag empake na ko kaagad at sumunod sayo dito sa London, di ko naman alam mauuna pa pala ko sayo ng iilang oras. Wala nga kong masyadong nadalang dam–"
Natigilan ako nang bigla niya kong hinalikan sa labi.
"You still talk too much, babe. I love you."
"I'm here. You can now have me as long as you want. Mahal na mahal din kita." sagot ko at sa pagkakataong ito ay ako ang nagbigay sa kanya ng halik.
And they live happily ever after.
The end.
.
.
.
.
.Well, ganon ko na-imagine ang sana ay nangyari kung nakasunod ako after the moment I realized I wanted to follow her to London and risk it all for her. If only everything was that easy but apparently it isn't. Sa totoong buhay, madalas ang mga bagay ay kailangan hintayin at paghirapan.
On my way back from the airport doon ko narealize kung gaano di ko kaya na mawalay ulit kay Rhian. However, I just can't pack my things, drop everything and fly to London in an instant. Una, kinailangan kong ayusin ang mga dokumento at visa ko. Pangalawa, I had to convince my sister to go home and help me manage the resort and our other businesses para pag alis ko ay maayos na ang transition. Hindi naman kasi ibig sabihin ng pag alis ko ay bibitawan ko na ang aking mga responsibilidad, I just wanted to have more time together with Rhian to figure out where our relationship would take us. Ayoko siyang ipressure, ayoko siyang madaliin. If she wants to marry me, we can do that, if ayaw niya ng kasal, I'm also okay with that. Kung gusto niya tumira sa London o sa Pinas, o kahit saang sulok ng mundo niya gusto, it doesn't matter. I just want us to be together.
May 31, 2019. Sa wakas, makakasama ko na rin siya pagkatapos ang isang taon ng paghihintay.
Malayo pa lang ay nakita ko na siya naghihintay sa paglabas ko ng airport at noong nagtama ang aming mata ay halos lakad takbo kami patungo sa isa't isa.
"You're here. You're finally here." Iyak tawa na sabi ni Rhian habang mahigpit akong niyayakap.
Her scent and her warmth, right here in her arms..
Finally I'm home.
Rhian's POV
What used to be like a fleeting summer love actually turned out to be the biggest plot twist in our lives. Yes, love is strange and complex, sometimes difficult and painful but it's undeniably beautiful.
31 days of May.
May. Isn't it such a hopeful word? Just like all our 11:11 wishes.
May..
May our relationship stand against scary waves of obstacles.
May our sunrises and sunsets, and every second of our lives be always filled with each other's love.
May we always be together, and may our love last, not in numbered days, but until the end of time.
A/N:
This is my last update and story as TheHopiaKeeper. Despite my shortcomings, thank you to everyone who read my works especially to those who showed support. Again, maraming maraming salamat.
Happy New Year!!! And in 2021, may we all win whatever our hearts desire. Cheers to better and brighter days. 🥂