31 Days of May (VII)

1.3K 74 26
                                    

***DAY 26 ( MAY 26, 2018)***

Glaiza's POV
Saturday ngayon at bukas na ang alis ng kakambal kong si Rachel. Naisipan naming mag dinner dito sa bahay kasama ang close friends niya, bilang despidida na rin.

"Twin, please pass the mushrooms. It's on your left" pakiusap sakin ni Rach.

Mabilis na kinuha ko naman ang bowl at pinasa ito at bumalik agad sa ginagawa kong paghiwa ng kung anu-ano. Ba't ba ako ang naka toka dito? Swerte ng mga mokong eh. Sana yung pagiihaw na lang talaga ginawa ko.

"Oh Babe, why are you crying?" Tanong ni Rhian na busy sa ginagawa niyang cake. Keto kyeme daw yun eh. Diet pero cake? ay ambot. Pero yun ang trip at pauso nilang dalawa ni Rachel, diyan naman sila nagkakasundo, sa exercise, diet, fashion, sa makeup at kung ano pang mga bagay na di ako interisado. Pag silang dalawa nagusap tungkol sa mga ganun OP na OP ako.

"Ba't kasi pati sibuyas sa akin pinahiwa, dami pa." busangot ko at pinahid ang mata ko gamit ang likod ng palad ko. Ang hapdi sa mata eh. Sarap magmura.

"You're such a crybaby" tinawanan ako ni Rhian.

Kumunot ang noo ko at bumalik sa paghihiwa. Kitang hirap at badtrip na ko dito nanukso pa. Ano ba kasing trip nila na naisipan nilang magluto, madami naman chef sa resort kahit anong gusto nila pwede lang naman magpaluto doon. Bakit ginagawang komplikado ang simple sanang bagay? ewan ko sa kanila.

Pagkalipas ng ilang minuto ay naramdaman kong umupo si Rhian sa tabi ko.

"I placed the cake inside the oven. I can help you na, crybaby" Sabi ni Rhian at hinalikan ang pisngi ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Huwag na. Ako na dito" paklang sagot ko.

"I insist" sabi niya at tumayo upang kunin ang isa pang chopping board at kutsilyo bago umupo ulit sa tabi ko.

"Pass the white onion please." malambing na sambit ni Rhian.

Kinuha ko ang sibuyas sa kabilang side ko at tahimik na  binigay ito sa kanya.

"Thanks babe" sabi niya at hinalikan ng dalawang beses ang pisngi ko.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya.

Di ko pa man nabubuka ang bibig ko ay nagsalita na si Rhian.

"Why? You're too cute. Huwag ka na mainis" mahinang saad niya at kinindatan ako. Di ko na napigilin ang sarili ko at hinalikan ko ng mabilis ang labi niya.

"Mag iinarte pa ba ko?" sabi ko at napahagikhik kaming dalawa.

"Naiiyak ka na oh" puna ko ng makita kong umiiyak si Rhian sa tabi ko makalipas ang ilang minuto.

"We should apply as part time crying ladies" natatawa niyang sambit habang pumipikit pikit at pinapahid ang mata gamit ang likod ng palad.

Tumayo ako at maiging naghugas ng kamay pagkatapos ay kumuha ng tissue.

"Yan kasi eh. Sabi ko sayo ako na lang dito. Mahapdi na rin tuloy mata mo" sabi ko sa kanya at dahan dahan pinahid ang mga luha niya.

"You guys are sooo cute together. So what are your plans ey? who's moving where?" Biglang sabat ng kakambal ko at papalit palit ng tingin sa'min ni Rhian.

Rhian's POV

"Rach, yung niluluto mo masusunog sa kakachismis mo. Ba't di ka na lang mag showbiz reporter?" Glai snided at Rachel.

11:11 (RaStro) (g×g) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon