31 Days of May (VIII)

817 28 19
                                    

***DAY 29 ( MAY 29, 2018)***

Glaiza's POV

Inakala ko na ngayong bukas na siya aalis ay sobrang malulugmok na ko o mas malala pa, kaming dalawa. So far, heto at parang wala namang katiting na kadramahan na nagaganap sa aming dalawa at sa halip ay puro kalokohan at asaran yung ginagawa namin sa isa't isa... tila kagaya noong mga unang araw ng aming pagkikita dito sa isla. Napapangiti na lang talaga ko sa tuwing naaalala ko eh, grabe parang aso't pusa talaga kami kung mag-away dati. Sino magaakala na magdedevelop pala ang romantic feelings sa ganoong sitwasyon. Sabagay, di ko masisisi si Rhian, wala namang di nahuhulog sa charms ko eh. See? nagagawa ko pang magbiro sa panahon na 'to.

Haaay. Siguro na convince ko na ang sarili kong hayaan na lang talaga. I mean, ano ang magandang idudulot kung puro negative what ifs iisipin ko sa pag-alis niya? Will it make things better? Malamang hindi. Aksaya lang sa natitirang oras namin magkasama kung puro sa kalungkutan and uncertainty lang ako magfofocus. Nakakapatay good vibes eh at ayaw ko ng ganon.

"Tama na. Anobaaaa!" Natatawang pagpigil ko kay Rhian. Nakahawak yung dalawang kamay ko sa mga kamay niya.

Itong si Rhian napaka pikon talaga pero ang lakas din naman mang alaska. Eh kesa naman mainis ako kaya ayun kiniliti ko na lang. At dahil si Rhian nga ay yung tipo na ayaw din magpatalo, syempre ginantihan niya ko, malas ko lang at mas malala talaga siya mangiliti.

"Isa Rhian, kakagatin ko talaga yang tainga mo!" Pinalakihan ko ng mata at birong banta ko sa kanya. Ramdam kong pulang pula na ng mukha at leeg ko.

Nasa ibabaw ko siya habang patuloy na kinikiliti ako, nakita ko namang pansamantalang tumigil siya para huminga ng malalim dahil sa labis na kakatawa. Halos mapangisi ako sa ideyang pumasok sa aking isipan. Ito na ang pagkakataon! Nagmadaling hinawakan ang magkabilang kamay niya at kinagat ang left ear niya, mahina lang naman.

"Ugh! Can you leave my ear alone? Okay! okay! I surrender. I'll stop na" sabi niya at umupo na ng maayos sa kama habang pilit pinapakalma ang sarili niya dahil namumula na rin siya sa kakatawa.

Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Okay ka na? Nakaganti ka na sa pangingiliti ha. Grabe ka eh, papatayin mo ata ako sa kiliti" saad ko.

Ngumisi lang siya bilang sagot.

"You deserved it. You started it anyway" sagot niya at tumugon din ng yakap ang mga bisig niya.

Dahan dahang hinaplos niya ang aking mukha upang mapatingin ako sa kanya. Agad naman niyang inilapit ang mukha niya sa akin upang halikan ako sa magkabilang pisngi, sa noo at binigyan ako ng isang matagal na halik sa aking mga labi.

Parang gusto kong ngumiti na ewan. Alam ko kung anong gusto niyang mangyari.

Pero bigla akong naka isip ng kalokohan. I didn't respond to her kiss at hinintay kong tumigil siya.

Wala pa ilang segundo ay inalayo niya ang mga labi at mukha niya sa akin. She looked slightly confused. Pero binalewala ko ito at umaktong inaantok at humikab hikab pa.

Gaya ng inaasahan ko, tumaas ang isang kilay niya.

"Really surfer? Really?" Mapanghamon niyang tanong.

Nagkibit balikat lang ako.

"Here we go again Ms. Hot Air Balloon. This game again?" Saad niya at umirap subalit kasabay nito ay biglang may sumilay na ngisi sa kanyang mga labi.

Nagulat naman ako nang medyo malakas na hinila niya ang laylayan ng damit ko kaya mabilis na nagkalapit ang aming mga mukha.

"Annoying as always." anas niya bago ako sinunggaban ng halik. Ni hindi man lang ako nakakibo.

11:11 (RaStro) (g×g) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon