31 Days Of May (VI)

1.6K 74 20
                                    

***DAY 23 ( MAY 23, 2018)***
Glaiza's POV

"Babe, it hurts so much" daing ni Rhian. Parang gigil na gigil siyang nakaakap sa akin habang nakahilata lang kami sa kama.

Hinagkan ko ang gilid ng kanyang ulo.

"I know baby. Sigurado ka ayaw mo talaga uminom ng pain reliever?" marahang tanong ko sa kanya.

Mahinang umiling siya.

Haaay. Kawawa naman ang girlfriend ko. Alam na alam ko kung anong pinagdadaanan niya. Hirap nga naman maging babae, monthly girl problems eh. Kanina pa kasi daing nang daing, syempre ayoko siyang nakikitang parang namimilipit sa sakit pero ayun tinatanggihan naman yung pag-inom ng gamot.

"May gusto ka ba? kahit ano, sabihin mo lang. Ice cream? gusto mo ba yun?" sabi ko at hinaplos ang kanyang mukha.

"Plain Vanilla ice cream would be nice. And oh, if meron, yung bag for hot compress na lang din please for my puson" sagot niya.

"Okay. Give me 20 minutes. Bibili lang ako at ihahanda ko yung hot compress" Sabi ko at agad na tumayo at hinalikan siya bago umalis.

Pagbalik ko eh naka fetal position na si Rhian na nakatalukbong sa ilalim ng comforter. Tinabihan ko siya sa kama at hinawi ang kumot.

"Rhi, sigurado kang okay ka lang? gusto mo punta tayo sa center?" nagaalalang tanong ko.

"I'm okay" sagot niya habang kagat kagat ang ibabang labi, marahil sa sobrang sakit.

Haaay okay daw eh parang namumutla na siya.

"Umayos ka muna ng upo Rhi, drink some water tapos lagay natin 'to sa puson mo." utos ko sa kanya.

Gumalaw siya para maupo at tinanggap ang tubig na binigay ko. Pagkatapos nun ay agad din siyang tumihaya. Pinatong ko ang hot compress, na katamtaman lang ang init, sa puson niya banda pagkatapos ay umupo na rin ako sa tabi niya at simulang himas-himasin ang ulo niya.

"Baby, gusto mo magbreakfast muna?"

Umiling siya.

"I don't have an appetite right now...well, except for a nutella sandwich" she answered.

"Oh sige.. eh yung ice cream mo?" paalala ko.

"Oh yeah. I want ice cream too"

Dali dali akong pumunta ng kitchen para gawin yung sandwich at naglagay ako ng konti ng binili kong ice cream sa maliit na bowl.

"Uhm baby, wala palang vanilla kaya cookies and cream na lang yun binili ko. Parang vanilla lang din naman eh, may cookies nga lang" sabi ko at nilapag ang bed tray.

"Oh okay.. thanks" simpleng sagot niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang kinakagatan ang sandwich.

Pero pagkatapos ng tatlong kagat ay nilagay niya na ulit ito sa plato at uminom ng maraming tubig.

"I'm full" aniya at nilagay ang bed tray sa gilid ng kama at saka humiga na.

Yun na yung kakainin niya? di man lang nakalahati ang sandwich at di man lang tinikman kahit isang scoop yung ice cream. Sabi gusto tas ayaw naman pala. Labo lang din.

Nakapikit na ulit si Rhian, parang matutulog 'ata.

"Rhi, pano tong ice cream mo? matutunaw 'to" tawag ko sa kanya.

Nagmulat siya ng mata at tumingin sa direksyon ko.

"You can eat that. My puson is still hurting. Di ko rin maeenjoy.. and I'm not a fan of cookies and cream" mahinang bulong niya sa huli pero narinig ko.

11:11 (RaStro) (g×g) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon