Bitter 1

64 2 1
                                    

Andrea's POV

Iba talagang nagagawa ng pag-ibig. Pasasayahin ka daw, pero ba't ngayon umiiyak na tong isang to?

"Bes, hindi ko matanggap. Huhu." nandito kami sa isang resto. Dinadamayan ang true friend kong si Camille.

Actually 4 kaming mag true friends. Si Camille Irish Sanarez na isang maingay at cheerful girl (na kasalukuyang nakararanas ngayon daw ng 'worst nightmare' dahil nag split sila ni past xD), si Isabela Louise Mijares na mahilig mag boy hunt at si Claudia Agustin na may angelic voice na natamaan ng pana ni kupido at ako na N.B.S.B for eternity (?) grade school palang classmates na kami at maituturing namin ang isa't-isa na true friends.

"Wag ka ngang umiyak dyan! Dati pa lang binalaan na kita, na hindi siya mabuti para sayo." Sabi ko ng pataray.

"*snif* kahapon lang *snif* masaya pa kami, tapos ngayon *snif* iniwan niya ako dahil na bobored nadaw siya *snif* samin."

"Hwuag mo nga siyang iyakan! Ikaw dito nagdudusa baka nga siya ngayon natutuwa."  sabi ko.

"Salamat sa mga sinabi mo, bitter bestfriend." sarcastic na pagsabi niya.

"Aba dapat lang. Kung magpapauto ka nga nalang din, make sure na huli na yan para once kalang iiyak." ang galing ko talagang mag advice !

After nung pinakadabest kong advice sa true friend kong si , nagdecide nakong umuwi.

--

Hey guys! Before ako magpatuloy sa pagka bitter ko, lemme introduce mah self :) 

I'm Andrea Lucille Divina, isang 4th year highscool student. Chismosa ( konti langxD), ayaw ko sa major subjects except sa english. Focused ako masyado sa pagiging varsity ng volleyball sa school. Isa sa mga spiker. Anak ng isang kilalang businessmen sa buong Pilipinas. Walang nagdidikta sakin, kahit ang mga magulang ko. Spoiled akong anak. At bitter sa love.

--

As usual wala na namang tao dito sa bahay. Ako lang at ang mga katulong namin.  Si mom at dad wala dito sa Pinas, may inaasikasong eklavush ewan ko dun. Si ate naman, ewan ko rin, nagparty siguro kasama ang mga kaibigan niya.

"Yaya!" tawag ko dun sa kasambahay namin.

"Bakit po Ms?" tanong niya sakin.

"Pakikuha nga yung cellphone ko dun oh, sa lamesa." Kahit isang dangaw lang ang layo dito sa bed ko, inuutos ko pa sa iba. Ganyan ako, hindi lang bitter, palautos din.

"Eto na po Ms." sabi niya pagkabigay ng cellphone.

"Salamat." Akala niyo wala rin akong galang? syempre, kahit hindi ako inalagaan at inaruga ng aking magulang dahil sa mas importante pa siguro yung negosyo nila kesa sa akin na anak nila. Natutunan ko rin naman 'to sa school.

Pagkatapos, umalis na siya. Agad kong tinawagan ang mga besties ko na mag shopping or manggala kahit saan. I found comfort dun sa mga yun, parang sila na nga pamilya ko eh.

After ilang minutes, nag text sila sakin na may importante silang pupuntahan o kaya ay pagod pa. Si Irish naman nag text na hindi daw siya makakapunta dahil uubusin daw muna niya ang tissues sa bahay nila. Ampupu. Kaya ayaw ko ng nasasaktan eh.

--AN--

hello readers :)) Thankyou sa mga nagbasa na nitong next story ko! Really appreciated you guys! Basahin niyo rin ang "Give Me Back My Heart" ako parin po nagsulat. Thankyou! :*

~~Chasingparis29

Inlove ang BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon