Andrea's POV
Ilang weeks na rin, simula nung narinig ko si Camille at Jane na pinaguusapan at binaa backstab ako. Ang sakit lang isipin na yung bestfriend mo eh di pala nagiging totoo sa pinapakita niya sayo.
Ba't ko ba hindi napansin yun? Natural. Hindi naman din ako naging aware. Kaya din siguro dahil lahat ng pinapakita ko sakanya totoo. I was being real, all the time.
"Ms. Andrea? Kumain na po kayo." sabi ni yaya.
Ilang araw na rin pala akong hindi lumalabas ng kwarto ko. Lagi lang akong nagkukulong at nagmumukmok dito.
Hindi lang ako umimik. "Tinawag din po kayo ng Daddy niyo." So, nandito pala si Dad? Akala ko busy na naman siya.
Usually hindi niya ako pinapatawag. Hinahayaan lang niya ako. Para bang walang pakialam. Pinapatawag lang niya ako pag malala na yung ginawa ko o kukumustahin.
No choice ako eh. Kaya bumaba nalang din ako. Pumunta akong dining area. Nakita ko siya dun kumakain mag isa.
Tumayo lang ako sa gilid niya. "Bakit hindi ka na raw pumapasok?" tanong ni Dad na hindi ako tinitingnan.
Anong idadahilan ko? "Trip ko lang Dad." ano ba tong nasabi ko?
"O sige dahil ayaw mong pumasok, dito ka lang sa bahay.." YES! thanks Dad! whoho!
Ang laki na ng ngiti ko kaso dinugtungan niya. " Tutulong ka dito. Sa mga gawaing bahay."
Tapos umalis na siya. Pwede bang pumasok nalang ako? Huhu.
Kung may pinakamahirap man na hindi ko kayang gawin, yun ay ang mga gawaing bahay! noooo!
Maskin isa wala akong alam. Pano bato?

BINABASA MO ANG
Inlove ang Bitter
Teen FictionBitter they say. Hindi naman talaga kaylangan ng tao ng love diba? na sa puntong wala ng matira sakanya, iiyak na lang siya sa sulok at kikimkimin ang sakit. But what if one day mawala bigla ang belief ko, being bitter in love? And realized na magi...